Itinanggi ni Senador Jinggoy Estrada ang akusasyon ni dating Discrict Engineer Brice Hernandez na sangkot umano siya sa maanomalyang flood control projects.
"I categorically and vehemently deny the claims made by Brice Hernandez," ani Estrada.
"I challenge him. LET US TAKE A LIE DETECTOR TEST before the public para malaman ng lahat kung sino ang nagsasabi ng totoo. Talk is cheap—handa akong patunayan na pawang mga kasinungalingan ang sinasabi niya tungkol sa akin," giit pa ng senador.
Sa isinasagawang pagdinig ng House Infra Committee nitong Martes, Setyembre 9, pinangalanan ni Hernandez ang mga senador na sangkot umano sa maanomalyang flood control projects.
“Tama si Senador [Ping] Lacson, ang mga engineer ng DPWH ay tila naging legman o bagman na lang,” saad ni Hernandez.
“Kung tatanungin n’yo kung sino o kanino kami naging bagman, sasagutin ko na po ngayon… Si Sen. Jinggoy Estrada, Sen. Joel Villanueva, Usec. Robert Bernardo at district engineer [Henry] Alcantara," dagdag pa niya.
Samantala, habang isinusulat ito, wala pang pahayag si Villanueva.