July 25, 2026

Home BALITA

Kahit nadawit na: Sen. Jinggoy, bet malaman demonyong nagpasimuno ng anomalya sa flood control

Kahit nadawit na: Sen. Jinggoy, bet malaman demonyong nagpasimuno ng anomalya sa flood control
Photo Courtesy: Senate of the Philippines (YT)

Sa kabila ng kaniyang pagkakasangkot, umaasa pa rin si Senador Jinggoy Estrada na may mga mapaparusahan sa anomalya sa likod ng flood control projects.

Matatandaang kabilang si Estrada sa dalawang senador na ikinanta ni dating Department of Public Works and Highways (DPWH) assistant district engineer Brice Hernandez na sangkot umano sa maanomalyang flood control projects.

Maki-Balita: Engr. Brice Hernandez, ikinanta koneksyon nina Villanueva, Jinggoy sa anomalya ng flood control projects

Sa isinagawang press conference nitong Martes, Setyembre 9, sinabi ni Jinggoy na gusto talaga niyang malaman ang katotohanan.

“Sana may makulong talaga. [...] Gusto ko lang talagang malaman ang buong katotohanan at sino talaga ang main culprit at sino talaga ang demonyong nagpasimuno nito,” saad ni Estrada.

Probinsya

Tatay at kapatid, rumesbak sa away ng mga estudyante sa loob ng eskwelahan!

Nauna nang pabulaanan ng senador ang paratang na ibinato sa kaniya ni Hernandez sa ginanap na House Infrastructure Committee nito ring Martes.

Aniya, “I categorically and vehemently deny the claims made by Brice Hernandez." 

Bukod dito, hinamon pa niya ang dating assistant district engineer na kapuwa sila sumailalim sa lie detector test sa harap ng publiko.

Maki-Balita: Sen. Estrada hinamon si Engr. Hernandez: 'Let us take a lie detector test before the public'