December 13, 2025

Home BALITA

Pangilinan sa pasabog ng mga Discaya: 'Dapat the whole truth!'

Pangilinan sa pasabog ng mga Discaya: 'Dapat the whole truth!'
Photo Courtesy: Kiko Pangilinan (FB), Senate of the Philippines (YT)

Nagbigay ng reaksiyon si Senador Kiko Pangilinan kaugnay sa mga opisyal na naambunan umano ng porsiyento mula sa mga proyekto nina Curlee at Sarah Discaya.

Sa latest Facebook post ni Pangilinan nitong Lunes, Setyembre 8, tila hindi siya kumbinsido sa mga isiniwalat na pangalan ng mag-asawa.

Aniya, “2016 pa sila sa flood control projects pero mula lang 2022 ang mga pinangalanan.” 

“Hindi maaring ‘edited o photoshopped’ ang inyong sworn statement. Hindi puede ang cover up. Dapat ay the WHOLE truth. Hindi puede sa witness protection ang cover up,” dugtong pa ni Pangilinan.

Sen. Bato, masayang nakita ang apo

Matatandaang inamin mismo ni Sarah sa ikalawang pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee noong Setyembre 1 na 2016 nagsimula ang kanilang flood control projects sa ilalim ng Department of Public Works and Highways (DPWH).

“'Yong mga flood control projects, kailangan kayo nag-engage sa flood control projects sa DPWH?" tanong ni Senador Bato Dela Rosa.

Sagot ni Sarah, "Siguro mga 2016 onwards."

Maki-Balita: Discaya kay Sen. Bato kung kailan nagsimula sa flood control projects: '2016 onwards!'