December 13, 2025

Home BALITA National

Arjo Atayde, itinangging nakakuha ng porsiyento sa mga proyekto ng Discaya

Arjo Atayde, itinangging nakakuha ng porsiyento sa mga proyekto ng Discaya
Photo Courtesy: Arjo Atayde (FB), Senate of the Philippines (YT)

Naglabas na ng pahayag si award-winning actor at Quezon City first district Rep. Arjo Atayde matapos masangkot sa listahan ng mga politikong tumanggap umano ng porsiyento mula sa mga proyekto ng Discaya.

Ayon kay Curlee Discaya, isa sa may-ari ng St. Gerrard Construction Gen. Contractor & Development Corp. at Alpha & Omega General Contractor & Development Corp, may mga opisyal umano mula sa Department of Public Works and Highways (DPWH) na lumapit sa kanila para kunin ang parte sa proyekto.

"Ang hinihingi nilang porsyento ay hindi bababa sa 10% at umaabot pa sa 25% na naging kundisyon upang hindi maipit ang implementasyon ng kontrata," aniya.

Pero sa Instagram story ni Arjo nitong Lunes, Setyembre 8, pinabulanan niya ang alegasyong nakinabang siya sa sinomang contractor.

National

Middle forces, Marcos bloc kailangang magkaisa para 'di manalo Duterte bloc sa 2028—Antonio Trillanes

“I categorically deny the allegation that I benefited from any contractor,” sabi ni Arjo. I have never dealt with them. Hindi po totoo ang mga akusasyon na ito.”

Dagdag pa niya, “I have never used my position for personal gain, and I never will. I will avail of all remedies under the law to clear my name and hold accountable those who spread these falsehoods.”

Maki-Balita: KILALANIN: Mga politiko at gov't officials na nanghingi umano ng 10-25% share sa proyekto ng mga Discaya