Kinagiliwan ng netizens ang kumakalat ngayong curriculum vitae (CV) ng isang “job seeker” matapos niyang ibahagi ang kaniyang CV na may kakaibang format at content.
Mababasa sa Facebook post ni Karel Kat Lopez ang kaniyang kakaibang CV na may caption na:
“Contact me right away if you’re the boss im looking for ! No repeat email pls ! wait for my call thank you!”
Mababasa rin sa kaniyang CV na noong 2020, isa umano siyang “badie cashier 6 months stop cause the uniform is not giving.” Aniya pa, noong 2021, siya ay isang “one line seller but not products just service eyyy slay.”
Noong 2022 naman, siya raw ay “live in with Mark it was all good best thing but had to stop cause OFW gf comeback very insensitive.” Noong 2023, siya rin daw ay “fresh graduate in college, passer to all bars shout out to bryan and ronald to my mojito and rum coke.
”Demand din niya ang 30k salary, sunday day off, schedule na 8 ng umaga hanggang 5 ng hapon lang, maternity leave just incase, at naughty.
Ibinahagi rin niyang skills niya ay ang pagiging very fresh graduate, not haggard, good communication skills, at photogenic.
Umani naman ng mga nakatutuwang komento ang nasabing post.
“Ok to hindi demanding”
“you're tired, you can start tomorrow”
“Very very photogenic.... The rest is questionable”
“HAHAHAHA parang gusto Kuna eedit yung CV/Resume ko”
“Gusto ko yung skills! Very contributing for the growth of the company! Char!”
Habang sinusulat ang artikulong ito, umabot na sa halos 206,582 na mga reaksyon at 23,969 shares ang nasabing curriculum vitae.
Ano ba ang Curriculum Vitae (CV)?
Ang curriculum vitae (CV) ay isang dokumento na ginagamit sa paghahanap ng trabaho. Ito ay naglalaman ng mga impormasyon ng isang indibidwal tulad ng kaniyang edukasyon, karanasan sa trabaho, kwalipikasyon, maging kaniyang mga kakayahan o talento. Madalas din itong tawaging “resumé.”
Vincent Gutierrez/BALITA