December 14, 2025

Home BALITA Metro

Unang Cath Lab sa Maynila, bubuksan na sa Setyembre 8

Unang Cath Lab sa Maynila, bubuksan na sa Setyembre 8
Photo courtesy: Manila Public Information Office (FB), Isko Moreno Domagoso (FB)

Bubuksan na ang unang Cardiac Catheterization Laboratory (Cath Lab) sa lungsod ng Maynila sa Lunes, Setyembre 8. 

Ayon sa Facebook post ng Manila Public Information Office (PIO), ang Cath Lab na bubuksan sa Ospital ng Maynila ay layong bawasan ang pinansyal na alalahanin ng mga Manileñong may iniindang sakit at kondisyon sa puso. 

Binanggit din ni Manila City Mayor Isko Moreno Domagoso sa kaniyang live broadcast na “Yorme’s Hour” kamakailan na ang pagbubukas ng bagong pasilidad na ito ay isang “major milestone” para magkaroon ng abot-kaya at dekalidad na healthcare sa lungsod. 

“Yan po ay Cath Lab na pinatayo natin, na inutang natin, noong nakaraang panahon ng unang termino ko, tatlong taon na hindi nagamit pero ngayon bubuksan na natin,” aniya.

Metro

Misis, sinaksak ng mister sa leeg

“Gusto ko nga po magamit nyo yan, kapag nasira yan dahil ginagamit  ninyo, masaya na ako, ang poproblemahin ko na lang maghanap ng pera, para bumili ng bago,” dagdag niya pa. 

Kasama ang suporta ng mga eksperto mula sa Philippine General Hospital (PGH) at Philippine Heart Center, ang Cath Lab na bubuksan ay unang mago-offer ng angiogram services, at isusunod naman ang angioplasty. 

At ayon pa sa nasabing Facebook post, kumpara sa mga kalimitang presyo ng mga procedure na ito, sa Cath Lab, libre nang ma-a-avail ng mga Manileño ang serbisyong medikal rito. 

“Currently, an angiogram in private hospitals costs at least ₱30,000, while angioplasty may cost upwards of ₱300,000. With the Cath Lab’s opening, indigent Manileños can now avail of these life-saving procedures for free,” saad dito. 

Ang Cath Lab ay isang invasive imaging diagnostic procedure na isinasagawa para makita at magamot ang mga kondisyon at sakit sa puso nang hindi kinakailangan ng open-heart surgery. 

Sean Antonio/BALITA