December 15, 2025

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Neri unti-unting bumabalik sa routines mula sa trauma, therapy mga manok

Neri unti-unting bumabalik sa routines mula sa trauma, therapy mga manok

Kahit ilang taon nang mag-asawa, nananatiling matamis ang pagmamahalan ng dating aktres, social media personality, at negosyanteng si "Wais na Misis" Neri Naig-Miranda at lead vocalist ng bandang "Parokya ni Edgar" na si Chito Miranda.

Sa kaniyang social media post kamakailan, ibinahagi ni Neri kung gaano siya kasaya sa simpleng gestures ng kaniyang asawa—lalo na pagdating sa mga love letters.

Kalakip nga ng post ay sulat-kamay na love letter sa kaniya ng mister.

Ayon kay Neri, gustong-gusto niya ang love letters, at lahat ng sulat-kamay na ibinigay sa kaniya ni Chito mula pa noong 2012 ay maingat niyang itinago.

Tsika at Intriga

Galit na lumayas! Claudine at utol ni Korina, naghiwalay dahil sa kasambahay?

Mayroon pa itong sariling kahon na puno ng alaala. Bukod dito, nasa scrapbook din niya ang kanilang mga lumang movie tickets noong nagsisimula pa lang silang mag-date.

"Lahat ng love letters ni Chito mula pa noong 2012, tinatago ko. May sarili silang box.. mga sulat na hanggang ngayon, kinikilig pa rin ako kapag binabalikan. Even yung old movie tickets namin noong nagde-date pa kami, nasa scrapbook ko pa rin," aniya.

Hindi lamang love letters ang kanyang naitatabi. Mayroon din siyang journal na inaalay para kay Chito, kung saan araw-araw ay sinusulatan niya ng pasasalamat para sa pagmamahal, pagprotekta, at pag-aalaga ng kaniyang asawa. Ayon sa aktres, patuloy din siyang nagpapasalamat sa Diyos sa pagkakaloob sa kaniya ng isang mabuting kabiyak.

Sa naturang post, ibinahagi rin ni Neri ang kaniyang simpleng morning routine—mula sa pagsalang ng laundry, pag-inom ng honey lemon tea, hanggang sa pag-check ng kaniyang to-do list. Sa kabila nito, inamin niyang hindi naging madali ang mga nagdaang buwan dahil sa trauma na kaniyang pinagdaanan.

Gayunman, masaya siyang ibahagi na unti-unti na raw bumabalik sa kaniya ang routines, mula sa trauma na kaniyang pinagdaanan.

"Masaya ako kasi unti-unti, bumabalik na ang routines ko. Nawala talaga sila dahil sa trauma na pinagdaanan ko, pero eto ngayon... slowly living, slowly healing. Hindi pa 100%, pero nag-i-improve, nagiging functional ulit."

"At malaking parte ng therapy ko, yung mga manok ko," anang Neri.

Malaking bahagi nga raw ng kaniyang therapy ang pag-aalaga ng manok. Para kay Neri, bawat tao ay may kani-kaniyang paraan ng pag-heal at pag-cope, at mahalagang patuloy na lumaban para sa pamilya.

Sa huli, iniwan niya ng mensahe ang kaniyang mga followers.

"In God’s perfect time, magiging okay ka rin. For now, one step at a time. Maybe try writing your thoughts down, or plant a tomato."

"Kaya always be kind. You never know what someone is going through. Hindi man nila pinapakita, pero hindi mo alam yung bigat na dinadala nila at kung paano sila lumalaban araw-araw," pagwawakas niya.

Noong Setyembre 5, ibinida ni Neri ang bagong kinahihiligan: pagbibilang ng itlog ng manok, na aniya, ay therapeutic para sa kaniya.

"This is what makes me happy nowadays.. ang magbilang ng itlog sa bakuran. Therapeutic siya. Nakakagaan ng araw kahit minsan nakakapagod din," aniya.

ANG POSIBLENG "TRAUMA" UMANO NI NERI

Bagama't walang nabanggit kung anong trauma ba ang tinutukoy, matatandaang nasangkot si Neri sa isang malaking eskandalo, matapos masangkot sa syndicated estafa. May kinalaman ito sa scam issue ng isang dental clinic kung saan umano'y endorser si Neri.

Noong Nobyembre 2024, naglabas ng inisyal na pahayag ang Southern Police District patungkol sa isang aktres-negosyante na inaresto nila dahil umano sa paglabag sa securities regulation code.

Itinago nila ang aktres sa alyas na "Erin" na nahaharap daw sa 14 counts ng violation of Securities Regulation Code at estafa case.

Hinuli raw ang aktres habang nasa isang convention center ng isang mall.

KAUGNAY NA BALITA: Southern Police District, kinumpirmang may dinakip na aktres na alyas 'Erin'

Ilang araw lamang, pinangalanan ang nabanggit na aktres at ito nga ay si Neri.

Matatandaang nauna nang maibalita ni showbiz insider Ogie Diaz ang tungkol sa pagkakaaresto sa "wais na misis."

Napiit si Neri sa Pasay City Jail Female Dormitory noong Nobyembre din. Iginiit ng pamunuan ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) na wala silang espesyal na pagtrato para sa aktres at negosyanteng si Neri Naig Miranda na kasalukuyang nakakulong sa Pasay City Jail Female Dormitory matapos arestuhin ng mga pulis noong Nobyembre 23, dahil sa 14 counts ng violation sa securities regulation code, at syndicated estafa.

KAUGNAY NA BALITA: Southern Police District, kinumpirmang may dinakip na aktres na alyas 'Erin'

Hindi naman nag-Pasko at Bagong Taon sa kulungan si Neri matapos siyang payagang makapagpiyansa.

KAUGNAY NA BALITA: Neri Miranda, posibleng magdiwang ng Pasko sa Pasay City Jail

Unang linggo ng Marso 2025, naabsuwelto sa kaso si Neri at tuluyan nang nalinis ang pangalan tungkol sa isyu. Ibinasura ng Pasay City Regional Trial Court ang syndicated estafa ayon sa abogado ng aktres-negosyante na si Atty. Aureli Sinsuat.

“We thank the courts for clearing the name of Neri Miranda, who has unmistakably been falsely accused of wrongdoing in the Dermacare case,” saad ni Sinsuat, sa panayam ng ABS-CBN News.

KAUGNAY NA BALITA: Neri Miranda, abswelto na sa kasong syndicated estafa!

Makalipas ang ilang linggo, nagsalita naman si Neri patungkol dito. Sa kauna-unahang pagkakataon ay binasag niya ang katahimikan, simula nang maaresto siya sa mall.

"Hindi ko talaga inakala na mapapasama ako sa Most Wanted sa Pilipinas…" pahayag ni Neri sa kaniyang social media post noong Marso 21.

"Tinawag akong magnanakaw, manloloko, at scammer."

"Never naman akong nagtago. Palagi nga akong nasa palengke, sa mga talks, at kahit saan pa—I have always been visible, hindi lang sa social media."

"I know many of you are waiting for me to tell my side of the story. When the time is right, I will. O kung kailangan pa bang ikwento ang lahat—mula sa pagdakip sa akin, sa kahihiyan, sa pagkakadetain, at sa agarang paglipat sa BJMP, kung saan dali-dali akong pinasuot ng yellow uniform."

"But for now, let me just say this: It was a nightmare. Isang pagsubok at bangungot na hindi ko kailanman malilimutan," aniya.

Hindi maiwasan ni Neri na magpasalamat sa lahat ng mga nanatili sa kaniyang tabi at hindi agad nanghusga.

"To those who felt even the smallest impact of our kindness, thank you. You remind me that goodness still exists in the world," aniya.

KAUGNAY NA BALITA: 'It was a nightmare!' Neri Miranda, nagsalita tungkol sa pinagdaanan niya

Batay naman sa social media posts ni Neri ay mukha ngang unti-unti na siyang "nakaka-recover" sa pinagdaanang trauma sa tulong ng loving husband na si Chito, mga anak, at siyempre, mga pinagkakaabalahan niya sa buhay.