December 17, 2025

Home BALITA Metro

Higit 1,000 katao, lumahok sa ‘Takbo Laban sa Korapsyon’

Higit 1,000 katao, lumahok sa ‘Takbo Laban sa Korapsyon’
Photo courtesy: Contributed photo

Tinatayang nasa higit 1,000 katao ang nakilahok sa ikinasang fun run sa University of the Philippines (UP) Diliman nitong Linggo, Setyembre 7, 2025.

Bitbit ang panawagang “huwag takbuhan ang pananagutan,” nakiisa rito ang iba’t ibang organisasyon ng mga kabataan, estudyante, guro at mga pamilya.

Ayon sa Chairperson ng UPD-University Student Council Joaquin Buenaflor, ikinasa nila ang naturang event upang kaisahin ang galit umano ng taumbayan matapos malantad ang malawakang korapsyon sa isyu ng flood control projects.

“Para po ma-organize natin yung collective agitation ng taumbayan. Kasi nakita naman po natin galit ang taumbayan sa korapsyon, sa kawalang pananagutan noong na-expose po yung ghost flood control projects,” ani Buenaflor.

Metro

‘Minimal disruption!’ DPWH, sisimulan na 8 buwang EDSA rehab sa bisperas ng Pasko

Kabilang din sa naging highlight ng nasabing event ang mga karatulang bitbit ng mga nakitakbo kung saan nakapaskil ang ilang mga mukha ng mga politiko at pangalan ng ilang kontraktor.

“Joel is Lord of ghost projects.”

“Finish na kayo!”

“Marcos singilin, Discaya panagutin!

“Ninakawan ka na, kakalma ka pa ba?”

“Korap na kongresista, ikulong!”

“Si Marcos ang tunay na nepo baby!”

Matatandaang kasalukuyang sentro ng isyu ang naturang proyekto matapos pangalanan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., ang nangyaring korapsyon sa mga konktrator at Department of Public Works and Highways (DPWH).

“Mahiya naman kayo sa mga kabahayan nating naanod o nalubog sa mga pagbaha. Mahiya naman kayo lalo sa mga anak natin na magmamana sa mga utang na ginawa ninyo! Na ibinulsa n'yo lang ang pera!” saad niya.

MAKI-BALITA: PBBM, sinupalpal mga korap sa flood control project: 'Mahiya naman kayo!'