December 14, 2025

Home BALITA Metro

Yorme, reresbakan mapatutunayang sangkot sa anomalya sa flood control project sa Maynila

Yorme, reresbakan mapatutunayang sangkot sa anomalya sa flood control project sa Maynila
Photo courtesy: via Manila Bulletin

Inihayag ni Manila City Mayor Isko Moreno Domagoso na nakahanda rin silang habulin ang mga may pananagutan sa anomalya ng flood control projects sa kanilang lungsod.

Sa panayam sa kaniya ng media, iginiit niyang umaasa raw siyang maging maayos ang resulta ng patuloy na pag-iimbestiga sa nasabing maanomalyang proyekto.

“I hope na may mauwian itong ginagawa nilang ito. Basta kami pagka may nakita na kaming ebidensya, nagpa-file na agad kami ng kaso katulad ng ginawa namin sa pagkukulang ng mga kontraktor sa Maynila,” anang alkalde.

Iginiit din ni Yorme na bukod sa pagbaha, mas malala rin ang epekto sa leptospirosis sa kanilang mga mamamayan.

Metro

Misis, sinaksak ng mister sa leeg

“In the case of the City of Manila, and I am calling the attention of all concerned agencies, the rise of leptospirosis infection is really beyond sa kapasidad. People are dying because of flooding,” ani Yorme.

Muli ring inungkat ni Yorme ang nadiskubre nilang bilyon-bilyong pondo ng flood control projects sa Maynila na wala umanong permit.

“Tayo ang may pinakamalaking flood control, ₱14 billion at tayo rin ang pinakabaha sa siyudad,” saad ni Isko.

Matatandaang kamakailan lang nang iharap ni Yorme listahan ng nasabing proyekto sa kanilang lungsod na tumabo ng pondo ngunit nanatili naman daw na lubog ang Maynila.

“This is the flood control project done in the City of Manila 2022, 2023, 2024 and 2025. Amounting to ₱14 billion done in Manila. Most of it, finished already. Bumaha ng pondo sa Maynila, bumaha pa rin sa Maynila,” anang alkalde.

KAUGNAY NA BALITA: Yorme, sinupapal ₱14B flood control sa Maynila: ‘Bumaha ng pondo pero binaha pa rin Maynila!’