December 13, 2025

Home BALITA Metro

Yorme, sinupapal ₱14B flood control sa Maynila: ‘Bumaha ng pondo pero binaha pa rin Maynila!’

Yorme, sinupapal ₱14B flood control sa Maynila: ‘Bumaha ng pondo pero binaha pa rin Maynila!’
Photo courtesy: Screengrab Isko Moreno/FB

Ibinalandra ni Manila City Mayor Isko Moreno Domagoso ang bilyon-bilyong flood control project sa Maynila sa mga nagdaang taon.

Sa press briefing ni Isko nitong Miyerkules, Agosto 27, 2025, iginiit niyang lahat umano ng nadiskubre nilang flood control project sa kanilang lungsod ay tapos na ngunit nananatili pa ring binabaha ang Maynila.

“This is the flood control project done in the City of Manila 2022, 2023, 2024 and 2025. Amounting to ₱14 billion done in Manila. Most of it, finished already. Bumaha ng pondo sa Maynila, bumaha pa rin sa Maynila,” anang alkalde.

Dagdag pa niya, “Itong lahat ng ito ay walang permit sa lungsod. Yes, we are investigating them, and they are also being investigated by the Office of the President.”

Metro

Misis, sinaksak ng mister sa leeg

Saad pa ni Isko, hindi lang daw limitado sa mga residente ng Maynila ang naaapetuhan ng malawakang pagbaha sa kanilang lungsod sa tuwing bumubuhos ang ulan.

“Bumuha ng pondo sa flood control sa Maynila amounting to ₱14 billion and yet the people of Manila, and those people studying, working, doing business, going in and out in Manila, continue to suffer with the flooding,” ani Isko.

Ayon sa mga ulat, tinatayang nasa 1,058 flood control project ang mayroon sa buong National Capital Region (NCR) kung saan Maynila ang nakapagtala na may pinakamaraming bilang ng naturang proyekto na 215 flood control.

Samantala, kaugnay ng nagpapatuloy na imbestigasyon sa flood control project, nitong Miyerkules, Agosto 27 nang ihayag ng Palasyo ang utos umano ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., na magpa-lifestyle check sa mga opisyal ng gobyerno kaugnay ng umano’y mga nakulimbat mula sa pondo ng flood control projects.

“Ipinag-utos ni Ferdinand Marcos, Jr. ang pagkakaroon ng lifestyle check sa lahat ng mga opisyal sa gitna ng imbestigasyon patungkol sa maanomalyang flood control projects,” ani Presidential Communication Office (PCO) Undersecretary Claire Castro.

KAUGNAY NA BALITA: Sa gitna ng imbestigasyon sa flood control: PBBM, pinag-utos lifestyle check sa mga opisyal