Naglabas ng pahayag ang National Union of Journalists of the Philippines (NUJP) kaugnay sa isyu ng pagbabayad para sa isang positibong panayam at coverage.
Sa latest Facebook post ng NUJP nitong Linggo, Agosto 24, pinaalalahanan nila ang mga mamamahayag sa banta ng payola sa editorial independence.
“The National Union of Journalists of the Philippines reminds colleagues that soliciting and accepting money, gifts and other forms of compensation in exchange for favorable coverage threatens editorial independence,” saad ng NUJP.
Dagdag pa nila, “It also erodes trust in our profession and in its practitioners and plays into the narrative that journalism can be bought and sold, undermining its critical role as a watchdog against corruption, whether in government or the private sector.”
Matatandaang naging sentro ng kontrobersiya ang mga broadcast-journalist na sina Julius Babao at Korina Sanchez matapos makaladkad ang kanilang pangalan sa isiniwalat ni Pasig City Mayor Vico Sotto patungkol sa mga journalist na tumanggap umano ng kaukulang bayad para kapanayamin sina Sarah at Curlee Discaya.
Bagama’t walang binanggit na pangalan ang alkalde kung sino ang journalists na tinutukoy niya, kalakip naman sa Facebook post ang screengrab mula sa interview nina Julius at Korina sa mag-asawa.
MAKI-BALITA: Vico Sotto, sinita mga journalist na umano'y tumatanggap ng bayad sa interview
Gayunman, nilinaw ng NUJP na kinikilala umano nila na ang paratang kina Korina at Julius ay hindi pa napapatunayan kung paanong kinikilala rin nila na ang pagbabayad sa mga mamamahayag kapalit ng positibong content ay karaniwan sa propesyong ito.
“In some cases, this is a matter of survival in an industry where many colleagues are paid minimum wage or less for their work,” anang grupo.
Kaya nanawagan sila sa mga kabaro na muling bisitahin at pagtibayin ang ethical guidlines ng pamamahayag sa pamamagitan ng mga available resources online kabilang na ang “NUJP’s Ethical Guide for Filipino Journalists.”
Samantala, itinanggi naman pareho nina Korina at Julius ang akusasyong ikinakabit sa kanila ng publiko na nakatanggap umano sila ng bayad sa mga Discaya para maitampok sa kani-kanilang programa.
Maki-Balita: Programa ni Korina, pinabulaanang tumanggap ng ₱10M sa mga Discaya; Vico, pwedeng ma-cyber libel?
MAKI-BALITA: Julius Babao sa ₱10M na bayad ng mga Discaya: ‘Walang katotohanan!’