December 13, 2025

Home BALITA Metro

Patutsada ni Yorme sa congressman ng Maynila: 'Nabisto lang kayo kaya umiiyak!'

Patutsada ni Yorme sa congressman ng Maynila: 'Nabisto lang kayo kaya umiiyak!'
Photo Courtesy: Isko Moreno Domagoso (FB)

Nagpahaging si Manila City Mayor Isko Moreno sa isang congressman ng Maynila dahil sa isyu ng mga ipinapatayong proyekto.

Bagama’t walang binanggit na pangalan, tila malinaw para sa ilan na si Manila City 3rd District Rep. Joel Chua ang pinuntirya ni Moreno.

Sa “Yorme’s Hour with Mocha Uson” noong Biyernes, Agosto 22, sinagot ni Moreno ang pagtawag sa kaniya ng kongresista bilang alkaldeng bully.

“Ano raw? Binu-bully? Nahuli lang, nabisto lang kaya umiiyak kayo. Wala na po kayong mabobola ngayon, mga iyakin,” saad ni Moreno.

Metro

Misis, sinaksak ng mister sa leeg

Dagdag pa niya, “Dati kayo ang nambibisto. [...]  Ngayon, kayo ang nabisto umiiyak kayo na binu-bully kayo? Hindi, hindi kayo binu-bully. Ayaw n’yo lang mabisto.”

Matatandaang nag-ugat ang iringan ng dalawa matapos sitahin ni Moreno ang ipinapatayong community center sa Sta. Cruz, Maynila noong Huwebes, Agosto 21, dahil sa kawalan umano nito ng permit.

"Lahat 'to kumpiskahin n'yo, ha. Wala permiso 'yan. I-penalized n'yo lahat ng mga gamit nila dito [...] Tanginang mga congressman 'yan," anang alkalde.

Bumwelta naman si Chua sa inasta ni Moreno sa pamamagitan ng video statement at sinabihan itong bully.

Ayon sa kaniya, “Masyado po siyang bully na mayor. [...] Bakit puro kalaban lang niya ang ginigiba niya.”

MAKI-BALITA: Rep. Chua kay Yorme: ‘Masyado po siyang bully’