December 13, 2025

Home BALITA

Vico Sotto, sinita mga journalist na umano'y tumatanggap ng bayad sa interview

Vico Sotto, sinita mga journalist na umano'y tumatanggap ng bayad sa interview
photo courtesy: Pasig PIO, Vico Sotto (Facebook)

 'Puhunan [dapat] nila ang kanilang reputasyon at kredibilidad...'

Sinita ni Pasig City Mayor Vico Sotto ang mga journalist na tumatanggap umano ng bayad kapalit ng isang interview. 

"Bago tanggapin ng mga kilalang journalists ang alok para mag-interview ng Contractor na Pumapasok sa Politika, hindi ba nila naisip na, 'Uy teka, ba’t kaya handa ’to magbigay ng 10 million* para lang magpa-interview sa akin??'," saad ni Sotto sa isang Facebook post nitong Huwebes, Agosto 21.

Kalakip ng kaniyang post ang mga screenshot mula sa interview ng nakatunggali niya sa pagkamayor na si Sarah Discaya at asawa nitong si Curlee Discaya kina Julius Babao at Korina Sanchez—ilan buwan na ang nakalipas, ngunit muling nagba-viral sa social media. 

Sen. Bato, masayang nakita ang apo

"I know for a fact that there are many good, honest people in media who are disappointed, if not angered, at practices like this which undermine the integrity of their profession," dagdag pa ng alkalde.

Paglalahad pa niya, "In this case, maybe they didn’t do anything technically 'illegal,' but at the very least it should be considered shameful and violative of the spirit of their code of ethics."

"Puwede silang magtago sa grey areas: 'hindi naman journalism ito… more of lifestyle lang… kailangan kasi ng sponsor…' pero ’wag na tayong maglokohan. They rose to national prominence as broadcast journalists/news personalities; puhunan [dapat] nila ang kanilang reputasyon at kredibilidad... at sa ganitong kalakaran, ito rin ang reputasyon at kredibilidad na pinahihiram nila sa mga corrupt kapalit ng [pera]," giit pa ni Sotto. 

"Let’s remember that corruption is systemic... it permeates into every sector of society, not just government. But we can slowly but surely break this cycle if more and more of us consistently do our part, wherever we are and whatever are position may be, one step at a time." 

Kamakailan, muling umingay ang pangalan ni Discaya dahil sa maanomalyang flood control projects, kung saan kabilang ang dalawa niyang kompanya sa Top 15 Flood Control Contractors ng Department of Public Works and Highways, sang-ayon sa datos na inilatag ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.

Sa isinagawang imbestigasyon ng Blue Ribbon Committee noong Agosto 19, kabilang si Discaya sa mga nagpadala ng excuse letter na hindi makdadalo sa hearing dahil sa umano’y prior commitment.

Maki-Balita: Discaya, 'di sumipot sa imbestigasyon ng Senado sa flood control projects

Maki-Balita: Talak ni Sen. Erwin Tulfo sa mga contractor na ‘di sumipot sa Senado: ‘Parang ginag*go ang committee!’