December 13, 2025

Home BALITA National

Discaya, 'di sumipot sa imbestigasyon ng Senado sa flood control projects

Discaya, 'di sumipot sa imbestigasyon ng Senado sa flood control projects
Photo Courtesy: JL Abrina/MB, Sara Discaya (FB)

Hindi dumalo si dating Pasig City mayoral candidate Sarah Discaya sa senate inquiry patungkol sa maanomalyang flood control projects.

Sa isinagawang imbestigasyon ng Blue Ribbon Committee nitong Martes, Agosto 19, kabilang si Discaya sa mga nagpadala ng excuse letter dahil sa umano’y prior commitment. 

“An invitation was sent to her, but she sent an excuse letter saying that she had a prior commitment,” saad ni Atty. Rodolfo Noel Quimbo, tumatayong Director General ng Blue Ribbon Oversight Office Management.

Ayon kay Quimbo, 15 contractor umano ang pinadalhan ng imbitasyon upang humarap sa nasabing pagdinig. Ngunit 11 lang umano ang tumugon at pito lang umano sa mga ito ang nagpadala ng kinatawan.

National

Middle forces, Marcos bloc kailangang magkaisa para 'di manalo Duterte bloc sa 2028—Antonio Trillanes

Hindi tuloy naiwasang maghimutok ni Senador Erwin Tulfo sa mga contractor na hindi sumipot sa imbitasyon ng Blue Ribbon Committee.

Aniya, “Para hong ginagago itong committee natin. May sakit, nagbakasyon na, may mga prior schedule. Anong mas importante? Prior schedule o itong imbestigasyong ito?

Matatandaang kabilang ang dalawang kompanya ng Discaya sa Top 15 Flood Control Contractors ng Department of Public Works and Highways sang-ayon sa datos na inilatag ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.