December 13, 2025

Home FEATURES Lifehacks

ALAMIN: Mga bagay na patapon na puwedeng nasa bahay ninyo

ALAMIN: Mga bagay na patapon na puwedeng nasa bahay ninyo
Photo courtesy: Pexels

Ang dami na bang mga bagay-bagay sa inyong bahay na naiipon o naiimbak na lang, pero hindi pa rin ma-let go?

Hindi lang kalinisan at kaayusan ang dulot ng pagtatapon ng mga sirang gamit sa bahay, kundi pinaniniwalaan ding nakakatulong ito para makapasok ang magandang enerhiya at suwerte, lalo na ngayong buwan ng Agosto na itinuturing na "Ghost Month."

Kadalasan, kaya naiimbak ang iba't ibang gamit o kasangkapan sa bahay, ay dahil ayaw pa itong pakawalan dahil sa tinatawag na "sentimental value."

Ayon sa mga eksperto, ang ibig sabihin nito ay "value of something to someone because of personal or emotional associations rather than material worth." Kaya kahit sira-sira na, lupak-lupak na, o matchy-matchy na sa basurahan, hindi pa rin pinakakawalan.

Lifehacks

‘Kaka-selpon mo ‘yan!’ ALAMIN: Maililigtas ka ba ng phone mo sa lindol?

Pero narito ang ilan sa mga karaniwang bagay na dapat nang tanggalin, kung wala namang kaakibat na sentimental value dito, hindi na mapapakinabangan o mareresiklo at nang lumuwag-luwag naman ang kabahayan.

1. Sirang Pinggan, Platito, Baso, at Tasang May Bitak

Bukod sa panganib na makasugat, sinasabing simbolo rin ito ng basag na relasyon at negatibong enerhiya. Kaya i-let go na iyan! Pero i-dispose ito nang maayos para hindi naman makasugat sa dadampot na basurero.

2. Lumang Damit na Hindi na Ginagamit

Kung higit sa isang taon na itong nakatambak at hindi mo pa nasusuot, malamang ay hindi mo na rin ito gagamitin. Mas mainam na i-donate kaysa itambak lang.

3. Mga Sirang Payong at Bag

Kumakain lang ito ng espasyo. Kung hindi na kayang kumpunihin, mas mabuting alisin na sa bahay.

4. Luma, Lanta, o Patay na Halaman

Ang mga tuyong halaman ay itinuturing na “dead energy.” Palitan ng mga sariwa at buhay na halaman para muling umaliwalas ang paligid. Kung puwede pang buhayin, itanim sa ibang lupa o ilipat ng puwesto. 

5. Sirang Appliances at Gadgets

Kung ilang taon nang nakatiwangwang at hindi na maayos, oras na para ipabenta bilang scrap o i-dispose nang tama.

6. Lumang Papeles at Resibo

Ang mga hindi na kailangang dokumento ay nakadaragdag lang ng kalat at alikabok. Panatilihin lang ang mahahalagang records.

7. Mga Laruang Hindi na Ginagamit

Kung may mga lumang laruan na iniwan na ng mga bata, mas mainam na ipamigay para mapasaya ang ibang bata.

8. Sapatos na Sira o Hindi na Kasya

Ang mga ito ay nagiging sagabal lamang at kumakain ng espasyo sa aparador. Ipamigay na lang din kung uubra pa naman.

9. Mga Lumang Makeup at Expired na Produkto

Nakakasama na ito sa kalusugan at hindi dapat itinatabi.

10. Mga Bagay na May Masamang Alaala

Kung may gamit na nagdudulot lang ng lungkot o hindi magandang emosyon, mas makakabuti na ring bitawan ito. Mag-move on na!