Tinawanan na lang ng aktres na si Yen Santos ang tanong sa kaniya ng isang netizen, na obviously ay may kinalaman sa kinasangkutan niyang kontrobersiya.
Sa latest vlog ni Yen na may pamagat na "QUESTIONS THAT YOU'RE DYING TO ASK ME" kasama ang isang babaeng friend, sinagot niya ang mga tanong ng netizens sa kaniya habang nagmamaneho ng kotse.
Isa na nga rito ay tanong tungkol sa "Baguio trip" na mukhang may tinutumbok na isyu mula sa kaniya.
Pero imbes na iwasan, game namang sinagot ito ni Yen at tatawa-tawa pa nga.
"Puwede ko po bang dalhin yung crush ko sa Baguio, pero as friends lang?" tanong ng netizen.
Sagot naman ni Yen, "Ano ba, please naman. I’d rather not be part of another Baguio trip like that.
"Pero siyempre kung genuine naman 'yan, sana transparent kayo at walang sablay."
Segunda naman ng frenny ni Yen, "Ang ganda sa Baguio, ang lamig."
"Gusto ko nga, eh," pakli naman ni Yen.
Hirit pa ng friend ni Yen, "Pero sana this time ako na ang dalhin mo para safe ka. Ako na lang kasi dapat ang sinasama mo."
Hindi naman napigilan ni Yen na matawa sa sinabi ng kaibigan niya.
Matatandaang bandang 2021 nang pumutok ang isyu patungkol sa sightings kina Yen at leading man niyang si Paolo Contis ng pelikulang "A Faraway Land" habang namamasyal sa Baguio City.
Sa kasagsagan naman ito ng balitang hiwalayan nina Paolo at longtime partner na si LJ Reyes.
Dahil doon, naging meme ang "Baguio-as-a-friend."
KAUGNAY NA BALITA: "Tara-punta-tayo-Baguio-as-a-friend" memes, trending sa social media
KAUGNAY NA BALITA: 'A Faraway Land:' Ang naging 'biyahe' ng past relationships ni Paolo Contis
Bandang 2023 nang tuluyan nang aminin ni Paolo ang tungkol sa relasyon nila ni Yen, sa pamamagitan ng panayam sa "Fast Talk with Boy Abunda."
KAUGNAY NA BALITA: ‘Worth it ba?’ Paolo ibinunyag dahilan bakit nahulog, tumibok ang puso kay Yen
Tuluyan na ring naging "malaya" ang dalawa sa pagpunta sa iba't ibang lugar.
Bandang 2024 naman nang pumutok ang balitang tila nagkakaroon ng problema sa relasyon ng dalawa. "No comment" ang isinagot ni Paolo nang maurirat ng media tungkol dito.
KAUGNAY NA BALITA: Yen binura daw ang birthday post para kay Paolo, sila pa raw ba?
At kamakailan nga lamang, sa unang vlog niya noong Hulyo 2025, ay nagsalita na rin talaga si Yen patungkol sa kaniyang dating relasyong inilarawan niya bilang "bangungot."
"Napakalaking blessing na natapos na 'yon," saad ni Yen.
"Malaking blessing na nagising na ako sa nightmare na 'yon and I walked away kasi hindi talaga worth it."
"That kind of life drains you and you lose yourself in the process. Hindi mo gugustuhin talaga 'yong gano'ng klaseng buhay,” aniya pa.
Saad pa ni Yen, isa sa mga best decision na nagawa niya ay tuluyang umalis sa nabanggit na relasyon. Tila lumabas daw ang tunay na pagkatao ng nabanggit na karelasyon, na hindi niya nakita noong nag-meet sila.
“The person I met at the beginning, that wasn’t really him. The one I saw at the end, 'yon talaga siya. Siyempre sa una, hindi naman 'yan magpapakilala ng totoong pagkatao nila eh. Gagawin nila lahat para makuha 'yong loob mo tapos kapag nakuha na yng loob mo, unti-unti na 'yan. Doon na lalabas 'yong totoong pagkatao nila,” aniya pa.
KAUGNAY NA BALITA: Yen Santos, nagising sa bangungot ng nakalipas na relasyon
Hindi naman pinangalanan ni Yen kung sino ang tinutukoy niya.
Pero kung babalikan, ang huling naugnay kay Yen ay si Paolo.
Samantala, wala pang reaksiyon, tugon, o pahayag si Paolo tungkol sa mga naging laman ng unang vlog ni Yen.