Matapos nga ang pinakahihintay na pag-amin ni Paolo Contis na si Yen Santos nga ang kasama niyang babae sa viral videos at photos, trending sa social media ang naging bahagi ng pahayag niya, na malungkot siya ng mga oras na iyon kaya inaya niya si Yen na samahan siya sa Baguio 'as a friend.' Binasag na niya ang katahimikan noong gabi ng Miyerkules, Setyembre 8, sa pamamagitan ng Instagram post.
Nilinaw niya ang ilang mga isyung patuloy na nagiging dahilan upang batikusin siya ng netizens. Aniya, katakot-takot umanong pang-aalipusta at pambabatikos ang natanggap niya matapos lumabas ang panayam ni Boy Abunda kay LJ.
Gusto na nga lang umano niyang manahimik subaliut maraming nadadawit sa isyu, lalo na ang mga 'babaeng' sinasabing third party sa nagwakas na relasyon.
“After lumabas ang interview ni LJ, katakot takot na pang-aalipusta at pambabatikos ang natanggap ko. I can’t say I don’t deserve it kaya tinatanggap ko lang ito. I understand all your frustrations. Gusto ko sana manahimik kaya lang marami nang mga nadadamay na hindi dapat kaya mas mabuti sigurong sagutin ko ang ilan sa mga ito,” saad ni Paolo.
Hindi rin umano siya gumagamit ng ipinagbabawal na gamot. Hindi rin niya sinasaktan si LJ, gaya ng mga kumakalat sa social media.
“Merong nagsasabi na meron siyang reliable source that I take drugs and as a result, sinasaktan ko si LJ at ang mga bata. This is not true. Minahal at inalagaan ko sila. I never laid a finger on them,” paglilinaw ng aktor.
Sunod niyang nilinis ang pangalan ng katambal na si Yen Santos sa pelikulang 'A Faraway Land' na pinupukol ngayon ng matitinding akusasyon, aelgasyon, at panghuhusga.
"She was never the reason of our break up. I was. Kung matagal na kaming hindi okay ni LJ, it was mainly because of me. Masyado n'yo siyang diniin sa issue na 'to. Pati pag-promote namin ng movie nabahiran na ng kung ano-ano.”
Ipinaliwanag din niya na sila talaga ni Yen ang magkasama sa kumakalat na viral videos at photos sa Baguio City. Aniya, sana raw ay huwag itong bahiran ng malisya. Magkaibigan lamang daw sila ni Yen. Umapela siya sa publiko na tantanan na si Yen.
“When LJ left for the States with the kids, I went to Baguio for 3 days dahil ayaw ko sa Manila at gusto kong makapag-isip-isip. Naging insensitive ako about the possible effects ng issue and I invited Yen for a day para may makausap since malapit lang siya sa North din. She went there as a friend. Hindi ko naisip na madadamay siya ng ganito. I’m sorry for this.”
At mula rito, dito na nabuo ang meme na "Tara-punta-tayo-Baguio-as-a-friend."




Narito ang ilan sa mga aliw na reaksyon ng netizens:
"Iba na pala panahon ngayon no? Dati kapag may problema ka sa karelasyon, makikipag-inuman ka lang sa tropa mong lalaki. Ngayon, ayain mo friend mong babae tapos punta kayo sa Baguio na isang romantic place!" saad ng isa.
"Parang ang sarap mag-aya ng friend sa Baguio ngayon!" wika ng isa.
"Kausapin ninyo pagong! Ikaw ba naman, lalaki, malungkot ka… sad boy ka… tapos kasama mo babae, tapos nasa Baguio pa kayo. Sure lang ba na nagkasama lang kayo sa Manaoag tapos kumain lang?"