December 14, 2025

Home FEATURES Kahayupan (Pets)

‘Mother’s love:’ Asong Shih Tzu na niligtas mga anak sa sunog, kinaantigan

‘Mother’s love:’ Asong Shih Tzu na niligtas mga anak sa sunog, kinaantigan
Photo courtesy: Bureau of Fire Protection - Nueva Vizcaya (FB)

Tunay na walang makakatapat sa pag-ibig ng isang ina sa kaniyang mga anak maging tao o hayop man sila.

Ito ang ipinakitang katapangan ng isang nanay na Shih Tzu sa naganap na sunog noong Huwebes, Agosto 15, sa Nueva Vizcaya.

Nabagbag ang damdamin ng netizen sa kuwento ng isang nanay na Shih Tzu na nailigtas na sana sa isang sunog sa Purok 2, Barangay San Geronimo, Bagabag, Nueva Vizcaya, subalit mas piniling balikan ang mga anak niyang naiwan sa loob ng bahay.

Ayon sa ulat, nang mamataan ang lumalaki nang sunog sa nasabing lugar ay nauna nang sagipin ng may-ari ang nasabing alaga nilang Shih Tzu.

Kahayupan (Pets)

Alagang pusa, nategi dahil sa maling pagkakaunawa sa ‘pampatulog’

Subalit dahil sa lumalakas nang apoy ay hindi na nagawa pang ilabas mula sa nasusunog na bahay ang pito pang Shih Tzu na anak ng nanay na aso.

Ngunit isang pangyayari ang ginawa ng nanay na aso na lubos na umantig sa puso ng mga nanay na netizens online.

Nang makalabas umano ang may-ari ng bahay bitbit ang nasabing aso ay bigla itong tumalon sa kaniyang tagapag-alaga.

Bumalik ang nanay na Shih Tzu sa nasusunog na bahay upang tangkaing iligtas ang pito pa nitong mga anak na naiwan sa loob.

Sa kasamaang-palad, hindi na nagawa pang makalabas ng tumakbong aso at nasunog ito kasama ng kaniyang mga anak.

Bilang mga nanay na nasaksihan pangyayari, hindi nila napigilang maawa at magpahayag ng damdamin kaugnay sa sinapit ng nanay na aso at mga anak nito.

Narito ang ilang mga iniwan na komento ng netizens online:

“Kawawa nmn mother instinc ayaw iwan ang mga anak.”

“Kung d sila nka kulong kaya nman nila lumabas dapat pinakawan nlang...maisip din nman sila alam nila ang panganib..kawawa nman[...]”

“Ang lungkot naman yan...”

“kawawa nman umiral prin pgiging ina nung mother shih tzu”

“Nakakaawa naman baket wala amo nila kung andun di mangyayari sakanila yan.”

“Kawawa naman,sobrang sakit naman sa dibdib.”

“Diyos ko nakaka awa naman”

Ayon naman sa lumabas na imbestigasyon ng mga awtoridad, nagsimula ang sunog sa nakasaksak na electric fan na nakatutok sa mga alagang Shih Tzu na may pitong anak.

Mc Vincent Mirabuna/Balita