December 14, 2025

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Dina Bonnevie, may 'binisto' tungkol kay Kazel Kinouchi dahil sa birthday post

Dina Bonnevie, may 'binisto' tungkol kay Kazel Kinouchi dahil sa birthday post
Photo courtesy: Dina Bonnevie (IG)

Usap-usapan ng mga netizen ang tila hindi raw sinasadyang pagkakabuking ng beteranang aktres na si Dina Bonnevie sa marital status ng aktres na si Kazel Kinouchi, matapos ang kaniyang birthday greetings sa kaniya.

Nagkasama sina Dina at Kazel sa GMA afternoon drama series na "Abot Kamay na Pangarap," at ngayon naman, sa "My Father's Wife."

Kaya naman, hindi kataka-takang magpaabot ng pagbati si Dina para kay Kazel, at mukhang may alam na rin ang batikang aktres na tila may asawa't anak na si Kazel.

Mababasa sa post ni Dina, "Mensahe ni Dina: “Happy birthday to a woman I admire. She is a loving and devoted wife, a doting mother, a professional actress, and a thoughtful granddaughter. Continue shine my dear Kazel Kinouchi! I love you.”

Tsika at Intriga

'Mapapasubo?' Doris Bigornia, kakayanin 8 MMFF movies basta ka-date si Atom Araullo

Tugon naman dito ni Kazel, "I love you, my mama!!!"

Nagtaka at nagulat naman ang mga netizen sa rebelasyon ni Dina, dahil hindi bukas sa publiko ang tungkol sa marital status ni Kazel.

Ang pagkakaalam ng karamihan, single pa rin si Kazel.

Kaya narito ang ilan sa mga reaksiyon at komento ng netizens:

"Wife and mother?"

"huh??? mah asawa at anak na siya? nakakagulat naman,akala ko dalaga pa siya"

"Woahhh didn't know she's married and a mom na pala.. happy birthday,"

"MAMA NA SIYA????"

Samantala, hindi naman nagbigay ng tugon si Kazel sa mga taong nag-usisa sa kaniya.

Kung babalikan noong 2023, naisyu si Kazel sa Kapamilya actor na si Richard Gutierrez dahil tila naispatan daw silang dalawang nasa iisang area lamang, sa kasagsagan noon ng isyu ng hiwalayan nina Richard at dating misis na si Sarah Lahbati.

KAUGNAY NA BALITA: Kazel Kinouchi at Richard Gutierrez iniintriga, inurirat sa socmed

Sa pamamagitan naman ng live video sa TikTok, mariing itinanggi ni Kazel ang mga paratang sa kaniya ng netizens, bagama't inamin niyang kapitbahay niya si Richard.

KAUGNAY NA BALITA: Kazel Kinouchi sinagot katkaterang netizen tungkol kay Richard Gutierrez

Pero ayon naman sa ulat ng PEP, matagal na raw nilang alam na may asawa't anak na si Kazel; totoong kapitbahay lamang ni Kazel si Richard, at si Richard naman ay personal na kakilala ang asawa ng aktres, na isang non-showbiz.