Hindi pinalagpas ng "Abot Kamay na Pangarap" cast member na si Kazel Kinouchi ang pang-iintriga ng isang netizen patungkol sa mga kumakalat na tsikang naispatan umano silang magkasama sa isang Halloween party ni Kapamilya star Richard Gutierrez, na kasama naman ang mga anak nila ng misis na si Sarah Lahbati.

Ipinakita naman ng entertainment site na "Fashion Pulis" ang resibo ng pagsagot ni Kazel sa tanong ng isang intrigerang netizen kung may relasyon ba sila ni Richard.

Anang netizen, "Is Richard Gutierrez and you in a relationship?"

Sagot ni Kazel, "NO."

National

4.4-magnitude na lindol, tumama sa Davao Occidental

Nang may magsabing nakaka-disappoint siya at pina-follow pa naman daw siya, tugon ni Kazel ay "Get a life, seriously."

Ngunit hindi pa siya tinantanan ng mga netizen at inurirat siya kung bakit nga ba sila magkasama ni Chard sa Halloween party.

Hindi na makikita sa screenshot kung sumagot pa ba si Kazel dito.

Photo courtesy: via Fashion Pulis

MAKI-BALITA: Kazel Kinouchi at Richard Gutierrez iniintriga, inurirat sa socmed

Matatandaang kamakailan lamang ay napabalitang tila nagkakalabuan na raw ang mag-asawa dahil hindi na raw makikita sa kanilang mga social media posts ang kanilang mga larawan o video together.

MAKI-BALITA: Richard at Sarah ayaw tantanan ng mga marites sa isyung hiwalay na

MAKI-BALITA: Annabelle Rama, itinuturong dahilan ng hiwalayang Richard, Sarah?

Minalisya pa nga ng mga netizen ang Instagram posts nila, na anila ay mukhang patungkol sa "moving forward" at "incredible power of kindness."

"random camera roll finds 📷 (reposting cuz ig is down?😅)," ani Sarah kalakip ang mga larawan habang nasa isang falls siya.

"also, happy world kindness day!"

"today, and everyday.. let's remember the incredible power of kindness. a single act can brighten someone's day and create a ripple of compassion. let’s choose empathy, love, and understanding every day. together, we can make the world a better place. 🤍."

Flinex naman ni Richard ang kaniyang maskuladong pangangatawan. Napansin ng mga netizen na suot pa rin niya ang wedding ring sa kaniyang palasingsingan. Tila subtle way raw ito para ipaalam sa publiko na hindi pa sira ang relasyon nila ng misis, kabaligtaran sa mga kumakalat na tsismis.

"Get up, change of perspective, move forward… And let the Most High take the wheel."

"Your attitude determines your altitude," aniya.

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag ang mga nabanggit na personalidad tungkol sa isyu.