Naghain ng election protest si dating Marikina City 2nd district Rep. Stella Quimbo laban kay Marikina City Mayor Maan Teodoro na katunggali niya sa nakaraang 2025 midterm elections.
Tinalo ni Teodoro sa pagkaalkalde si Quimbo sa botong 31,394.
Batay sa memorandum ni Quimbo sa Commission on Election (Comelec) noong Agosto 8, sinabi niyang higit-kumulang 1,672 boto ang hindi binasa ng Automated Voting Machines (AVMs) noon at 56 balota rin umano ang hindi pumasok sa makina.
"To say that these incidents undermined the true will of the electorate is an understatement. Had these ballots been counted, the result of the election for Mayor would have been different,” saad ni Quimbo.
Bukod sa mga teknikal na problema, sinabi rin ng dating kongresista na may kahina-hinalang kilos umano ang ilang Department of Education (DepEd) personnels.
Kagaya umano ng principal sa Parang Elementary School na biglang nagpatawag ng pagpupulong habang isinasagawa ang preliminaries para bumoto at bago buksan ang mga presinto para sa maagang pagboto.
Samantala, sa ibang kaso, may mga tagasuporta at poll watchers umano si Quimbo na pinalabas ng presinto habang ang botante ay nakahinto sa pagboto.
Kaya naman umpela siya sa Comelec na bawiin ang mga balota para makagpasagawa ng recount.
Matatandaang matapos ang halalan noong Mayo ay inamin ni Quimbo na nasaktan siya sa pagkatalo niya laban kay Teodoro, mister ng dating alkalde ng Marikina na si Marcy Teodoro.
MAKI-BALITA: Stella Quimbo sa pagkatalo sa mayoral race ng Marikina: 'Aaminin ko, masakit'