December 13, 2025

Home SHOWBIZ Relasyon at Hiwalayan

Tapos na ang paghihintay: EA Guzman, Shaira Diaz ikinasal na!

Tapos na ang paghihintay: EA Guzman, Shaira Diaz ikinasal na!
GMA Public Affairs/FB

'MAGIGING MASAYA KA NA MAMAYA' 

Matapos ang 12 taon, ikinasal na ang Kapuso couple na sina EA Guzman at Shaira Diaz nitong Huwebes, Agosto 14. 

"Magiging masaya ka na mamaya," sey ni Shaira sa wedding vow niya para sa kaniyang mister. 

Matatandaang na-engage ang dalawang showbiz personality noon pang Disyembre 2021, ngunit isinapubliko ito noon lamang nakaraang taon. 

Relasyon at Hiwalayan

Bianca De Vera, kering pagsabayin 2 lalaki sa isang relasyon?

MAKI-BALITA: Shaira Diaz, tatanggihan daw sana proposal ni EA Guzman?

Sa loob ng 12 taong relasyon, inamin ni EA na kahit hirap siya ay wala pang nangyayari sa kanilang dalawa. 

“First two years namin, Tito Boy, umiiyak ako sa kaniya kasi ang hirap. To be honest ang hirap. Noong time na iyon parang hindi ko na kaya. Kasi siyempre 'di 'ba?” saad ni EA sa kaniyang panayam sa  isang episode ng “Fast Talk with Boy Abunda” noong Pebrero 2024. 

“Kaya sabi ko: ‘Baba, hindi ko na kaya.’ Pero noong may sinabi siya sa akin na: ‘Kung mahal mo talaga ako, hihintayin mo ako.’ ‘Yon, do’n ako tinamaan. ‘Yon ang lagi kong sinasabi sa sarili ko ‘pag nakakaramdam ako ng ganito,” aniya.

MAKI-BALITA: Kahit hirap na ang jowa: Shaira Diaz, 'di pa rin isinusuko ang ‘bataan’

Ayon naman kay Shaira, ino-honor daw niya ang parents niya dahil nangako siya na buong-buo pa rin siyang matatagpuan kahit iwan pa siya ng mga ito kahit saan.

“Sabi nila ‘yon ‘yong best gift na mabibigay mo sa asawa mo,” lahad pa ng aktres.

MAKI-BALITA: Kahit 12 taon nang magkarelasyon: EA, 'di pa rin 'ginagalaw' si Shaira