December 16, 2025

Home BALITA National

Matapos sunod-sunod na krimen: DepEd, nais ibala 911 ng PNP sa mga eskuwelahan

Matapos sunod-sunod na krimen: DepEd, nais ibala 911 ng PNP sa mga eskuwelahan
Photo courtesy: Contributed photo, via MB/X

Pinag-aaralan na ng Department of Education (DepEd) ang pakikipag-ugnayan sa Philippine National Police (PNP) bunsod ng magkakasunod na krimen na nangyayari sa mga bisinidad ng mga pampublikong eskuwelahan.

Sa panayam ng radio program na Ted Failon DJ Chacha kay DepEd Usec. Malcolm Garma nitong huwebes, Agosto 14, 2025, inihayag niya ang nasabing plano ng kanilang ahensya.

“Tuloy-tuloy po yung pakikipag-ugnayan namin sa Philippine National Police. In Fact baka po bukas maaaring bumisita sa amin si General Nicolas Torre, at isa po sa ating pag-uusapan din kung paano po gagamitin yung mekanismo ng 911 sa atin pong mga paaralan,” saad ni Garma.

Saad pa ni Garma, hindi raw kasi kakayanin ng mga barangay tanod ang pagsisiguro sa seguridad ng mga paaralan.

National

'Nandito si Mama, naghihintay sa 'yo!' Nanay ng nawawalang bride-to-be, nanawagang maibalik nang maayos ang anak

“Hindi po talaga kakayanin kung sa barangay yung atin pong mga tanod lamang. Yung visibility po talaga ng pulis, katulad ng posibilidad na maglagay ng mga outpost malapit po sa ating mga paaralan,” saad ni Garma.

Dagdag pa niya, “Malaking tulong po 'yun. 'Yung mga batang nag-iisip na gumawa ng hindi maganda, manakit ng kanilang kapwa estudyante sa labas ng paaralan, mababawasan po 'yan kung mayroon pong visibility ang ating kapulisan.”

Matatandaang kamakailan lang ng gumawa ng ingay ang magkakasunod na krimen na nangyari sa loob at labas ng mga paaralan sa bansa na mismong kinasangkutan ng mga menor de edad na estudyante.

Sa Nueva Ecija, patay ang dalawang dating magkasintahang estudyante matapos pasukin ng suspek ang classroom ng kaniyang dating girlfriend at saka ito binaril. Matapos ang pamamaril, agad din siyang nagbaril sa sarili.

KAUGNAY NA BALITA: 15-anyos na dalagitang binaril ng ex-jowa sa classroom, pumanaw na

KAUGNAY NA BALITA: Motibo sa pamamaril sa eskuwelahan, 'dahil sa suspek na 'di maka-move on sa biktima!'

Patay din ang isa namang guro matapos siyang barilin ng kaniyang grade 11 student matapos umano niya itong ibagsak. 

KAUGNAY NA BALITA: Estudyanteng lumagapak ang grado, itinumba teacher na nambagsak sa kaniya

Isang grade 3 student naman ang nagkritikal matapos siyang bugbugin ng apat na high school students sa Iligan City.

KAUGNAY NA BALITA: Kabataang suspek sa nagkritikal at bugbog saradong grade 3 student, 'di raw makukulong?'

Isang principal naman ang napaulat na sugatan matapos siyang barilin sa loob ng kaniyang sasakyan na papasok na sa kanilang paaralan.

KAUGNAY NA BALITA: Principal sa Cotabato, binaril sa labas ng paaralan!