May 22, 2026

Home BALITA Probinsya

Motibo sa pamamaril sa eskuwelahan, 'dahil sa suspek na 'di maka-move on sa biktima!'

Motibo sa pamamaril sa eskuwelahan, 'dahil sa suspek na 'di maka-move on sa biktima!'
Photo courtesy: Contributed photo

Tukoy na ng mga awtoridad ang motibo ng suspek sa pagbaril niya sa sarili at sa isang 15-anyos na babae sa loob ng isang eskwelahan sa Sta. Rosa, Nueva Ecija noong Huwebes, Agosto 7, 2025.

KAUGNAY NA BALITA: Estudyanteng lalaki namaril sa classrom; binaril din sarili!

Matagal na raw sinusuyo ng 18 taong gulang na suspek ang biktima matapos itong makipaghiwalay sa kaniya. 

Noong Hunyo 2024 daw ng maging magkarelasyon ang dalawa ngunit nitong 2025 nang makipag-hiwalay ang biktima.

Base pa sa mga ulat, may insidente pa raw na uminom ng lason ang suspek sa harapan ng mga kaanak ng biktima upang balikan siya ng dalagita.

Probinsya

Lalaking tinakbuhan mga nanggugulpi sa kaniya, patay matapos bumangga sa poste!

Samantala, matapos ang nasabing krimen, tuluyan nang pumanaw ang suspek na nagtamo rin umano ng brain injury habang nananatili namang kritikal ang biktima.

Nananawagan na rin ang kaanak ng biktima para sa gastusin niya matapos siyang ilipat ng iba pang ospital bunsod ng kritikal na kondisyon.

Nakatakda namang sumalang sa psychological aid ang mga mag-aaral sa naturang eskwelahan na nasa loob ng classroom at siyang nakasaksi nang mangyari ang krimen.