December 19, 2025

Home BALITA Probinsya

Driver ng naaksidenteng van na kumitil sa 5 katao, positibo sa droga!

Driver ng naaksidenteng van na kumitil sa 5 katao, positibo sa droga!
Photo courtesy: Contributed photo

Nakumpirma ng mga awtoridad na gumamit ng ilegal na droga ang driver ng closed van na naaksidente sa Central Luzon Link Expressway (CLLEX) sa Tarlac City noong Martes ng umaga, Agosto 12, 2025. 

Ayon sa mga ulat, nagpositibo sa drug test ang nasabing driver habang negatibo naman siya sa alcohol breath test.

Apat ang dead on the spot sa pagbangga ng nasabing closed van sa metal fence ng naturang expressway habang isa naman ang binawian ng buhay sa ospital. Siyam na katao pa ang nagtamo ng mga galos sa katawan kabilang na ang driver.

Batay sa salaysay ng mga pasahero, matulin daw ang pagpapatakbo ng driver sa sinasakyan nilang closed van na umaabot ng 80-100 speed limit.

Probinsya

Sabunutan ng ilang LGBTQIA+ members at isang babae, sumiklab sa kasagsagan ng Simbang Gabi

Kumbinsido rin ang mga awtoridad na self-accident ang nangyari at walang ibang sasakyan ang nakadagdag sa nangyaring aksidente.

Depensa ng driver, bigla na lamang daw nawalan ng kontrol ang closed van hanggang sa sumalpok na lamang daw sila sa metal fence.

Galing ng Caloocan City ang mga biktima at papunta na raw sana ng Cabanatuan, Nueva Ecija nang mangyari ang aksidente.

Mahaharap sa kasong multiple homicide, multiple serious physical injuries, at damage to property ang nasabing driver.