December 12, 2025

Home BALITA Metro

2 estudyante nabagsakan ng debris sa QC, kritikal; 1 pa sugatan

2 estudyante nabagsakan ng debris sa QC, kritikal; 1 pa sugatan
Photo Courtesy: Barangay Laging Handa

Kritikal ang kalagayan ng dalawang estudyante habang isa pang estudyante ang napag-alamang sugatan matapos silang mabagsakan ng tipak ng semento noong Martes, Agosto 12, 2025, sa Quezon City. 

Humingi naman ng tulong ang mga magulang ng isa sa dalawang biktima na nasa kritikal ngayon ang kalagayan. 

“Kailangan ko po sana ng magaling na doktor na makakatulong sa anak ko. Kasi po ayaw ko po mawalan ng pag-asa. Kasi po humihinga pa siya, e. Umiiyak pa nga siya, e,” saad ng nanay ng biktima. 

“Gustuhin o man siya tulungan wala naman akong magawa… Tapos nagulat ako, pumasok lang ‘yung anak ko… hindi ko alam na magkakaganyan siya,” dagdag pa nito.

Metro

Misis, sinaksak ng mister sa leeg

Matatandaang natapyas ang tipak ng semento mula sa isang gusali ng condominium sa kanto ng Roces at Timog Avenue sa QC at aksidente nitong nalaglagan ang tatlong 12-anyos na mag-aaral. 

Humandusay sa bangketa at kritikal ang sinapit ng dalawang bata nang tamaan ang mga ito sa ulo mula sa mga debris na nalaglag sa gusali habang sugat sa braso ang sinapit ng isa pa. 

Kasalukuyan naman ngayong nasa Capitol Medical Center ang tatlong biktima upang sumailalim sa medical treatment. 

Samantala, hindi pa nagbibigay ang pamunuan ng gusali ng kanilang posisyon at paliwanag kaugnay sa nangyaring aksidente. 

Mc Vincent Mirabuna/BALITA