Pumanaw na ang 15 taong gulang na dalagitang binaril ng kaniyang dating kasintahan sa loob mismo ng classroom sa Sta. Rosa, Nueva Ecija noong Agosto 7, 2025.
Ayon sa mga ulat, matapos ang limang araw na pakikipabaka sa ospital, tuluyan nang bumigay ang biktima noong Martes ng gabi, Agosto 12.
Bago nito, nauna na ring napaulat na nasawi ang suspek at dating kasintahan ng biktima noong Agosto 8.
Matatandaang, gumawa ng ingay ang sinapit ng dalawang dating magkasintahan matapos paputukan ng 18-anyos na suspek ang kaniyang ex na biktima sa loob ng paaralan at pagkatapos ay saka niya rin binaril ang kaniyang sarili.
KAUGNAY NA BALITA: Motibo sa pamamaril sa eskuwelahan, 'dahil sa suspek na 'di maka-move on sa biktima!'
Ayon pa sa imbestigasyon ng pulisya, nag-ugat ang motibo ng suspek dahil hindi raw ito maka-move on sa biktima matapos ang kanilang hiwalayan.
Noong Hunyo 2024 daw ng maging magkarelasyon ang dalawa ngunit nitong 2025 nang makipag-hiwalay ang biktima.
Base pa sa mga ulat, may insidente pa raw na uminom ng lason ang suspek sa harapan ng mga kaanak ng biktima upang balikan siya ng dalagita.
KAUGNAY NA BALITA: Motibo sa pamamaril sa eskuwelahan, 'dahil sa suspek na 'di maka-move on sa biktima!'
Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad kung paano naipuslit ng suspek ang baril na ginamit sa crime scene at kung paano raw niya ito nakuha.