December 14, 2025

Home SHOWBIZ Events

Sen. Bam, sumayaw sa ‘Super Divas concert’ nina Regine at Vice Ganda

Sen. Bam, sumayaw sa ‘Super Divas concert’ nina Regine at Vice Ganda
Photo courtesy: Bam Aquino/FB screengrab

Ipinakita ni Senador Bam Aquino ang kaniyang “dance moves” sa matagumpay na “SUPERDIVAS: THE CONCERT” nina Asia’s Songbird Regine Velasquez-Alcasid at Unkabogable Star Vice Ganda, na ginanap noong Agosto 8 at 9 sa Smart Araneta Coliseum.

Makikita sa Facebook post ng senador ang kaniyang pag-indak sa saliw ng awiting “Sumayaw Ka” ng Pinoy rapper na si Gloc-9.

“Meme, next time si [m]isis ko na lang!” ani senador sa caption.

Nagbiro naman ang Unkabogable Star nang ibahagi nitong enjoy na enjoy silang dalawa ng kaniyang misis.

Events

Chelsea Fernandez, inirampa Maranao Sarimanok sa Miss Cosmo 2025

“Buti naman po, nag-eenjoy kayo. Tama, paminsan-minsan mag-enjoy kayo dahil ang gulo-gulo n’yo doon, sa senado,” ani Vice Ganda.

Pinuri din niya ang kaguwapuhan at kabanguhang taglay ng senador.

“Ang ganda ng kutis! Oy, ang bango ng senador! Ang guwapong senador!” anang komedyante.

“Aminin n’yo, hindi lahat ng senador, guwapo,” hirit pa ni Vice.

Pinasalamatan naman ni Vice Ganda ang pagpapaunlak ng senador. 

Matatandaang bumisita rin ang senador sa “It’s Showtime” noong Mayo 15, kung saan host din si Meme.

Ito ay matapos na ideklara ang kaniyang pagkapanalo bilang bagong senador ng 20th Congress.

Vincent Gutierrez/BALITA