December 14, 2025

Home FEATURES Human-Interest

ALAMIN: Ano ang leptospirosis at paano maging ligtas mula rito?

ALAMIN: Ano ang leptospirosis at paano maging ligtas mula rito?
Photo courtesy: Unsplash

Dala ng biglaang pagtaas ng mga pasyenteng may leptospirosis at pneumonia, hinikayat na ng Philippine General Hospital (PGH) ang publiko na humanap ng ibang ospital na mapupuntahan dahil puno na ang kanilang emergency room noong Martes, Agosto 5.

Ayon sa pahayag ng PGH sa kanilang opisyal na Facebook page, wala na itong kapasidad na tumanggap ng mga bagong pasyenteng darating, maliban na lamang kung nasa kritikal na kalagayan.

Dahil dito, marami ang mga nakapila sa labas o kaya nama’y pinagkakasya ang sarili sa stretcher.

KAUGNAY NA BALITA: ER ng PGH apaw na sa pasyente: 'Maghanap muna ng ibang ospital!'

Human-Interest

Misis sinimot 13th month pay ni Mister nang walang paalam: ‘May karapatan ako sa pera mo!'

Sa nakaaalertong mga ulat na ito, ano ba ang leptospirosis, paano makaiiwas dito, at kung magkaroon, ano ang mga maaaring gawin para magamot ito agad?

Ano ang leptospirosis?

Ayon sa Centers for Disease Control and Prevention (CDC), ang leptospirosis o weil’s disease ay sanhi ng isang bacterium na kilala bilang leptospira na natatagpuan sa kontaminadong tubig o lupa, kung saan, naaapektuhan nito ang tao at iba’t ibang klase ng hayop.

At kung hindi maaagapan agad, ang leptospirosis ay nagdudulot ng kidney damage, meningitis, na isang sakit kung saan namamaga ang parte ng membrane na nagpoprotekta sa utak at spinal cord, liver failure, at kamatayan.

Paano ito nakukuha?

Ayon sa National Health Service (NHS), ang leptospirosis ay kumakalat sa pamamagitan ng ihi ng mga infected na hayop tulad ng daga, baka, baboy, at aso.

Nakukuha ito sa mga lugar na may kontaminadong ihi ng mga hayop na ito tulad ng ilog, kanal, o lawa, kung saan ang impeksyon ay pumapasok sa bibig, mata, o sugat.

Maaari rin itong makuha sa paghawak ng kontaminadong sugat o dugo ng hayop na may impeksyon.

Mga sintomas ng leptospirosis

Ang mga madalas na sintomas ng leptospirosis ay:

- Mataas na body temperature

- Lagnat

- Sakit ng ulo

- Sakit ng tyan

- Pananakit ng katawan o mga kasukasuan

- Pagsusuka o nausea

- Pagkadilaw ng mata at balat o jaundice

- Pamumula ng mata

- Madalas na pagdumi o diarrhea

- Rashes

Sa kabila ng mga sintomas na nakalista, mahalaga ring tandaan na sa ibang kaso, asymptomatic ang leptospirosis o walang sintomas, habang ang iba naman ay mga mild flu-like na sintomas o bahagyang lagnat.

Mga maaaring gawin kapag may leptospirosis

Kung nakararamdam na ng sintomas matapos lumusong sa baha o pinaghihinalaan na kontaminado ang tubig na nilusong kahit wala pang sintomas, mahalagang agad na pumunta sa pinakamalapit na ospital o health center para matignan agad ng mga nurse at doktor.

Dito ay madalas nagbibigay sila ng mga antibiotic at mga test para malaman kung anong kondisyon ng katawan.

Sean Antonio/BALITA