Usap-usapan ang lumulutang na tsika sa social media patungkol sa umano’y palihim na kasal nina Gerald Anderson at Gigi De Lana.
Kaya sa latest episode ng “Showbiz Updates” kamakailan, sinita ni showbiz insider Ogie Diaz ang mga nagkakalat ng maling balita tungkol sa dalawa.
“Lihim daw kinasal si Gerald kay Gigi De Lana. Mayro’n daw silang sikretong anak. Tinatago raw nila. May ganyan. At ang nakakaloka dito, lihim daw ‘yong pagbubuntis ni Arci Muñoz o nanganak si Arci Muñoz courtesy of Gerald Anderson,” saad ni Ogie.
Dagdag pa niya, “Diyos ko, nakakaloka kayo! Talagang pinipilit n’yo talaga ‘yan. Naku, ‘pag kayo na-report talaga, promise. ‘Yang pinaghirapan n’yong number of followers, mawawala ‘yan.”
Matatandaang sa kasagsagan ng pandemya ay nagkaroon ng serye sina Gerald at Gigi sa ABS-CBN na pinamagatang “Dear Heart.”
MAKI-BALITA: Gerald Anderson kay Gigi De Lana: 'Ako ang coach mo'
Samantala, sina Gerald at Arci naman ay nagsama sa pelikulang “Always Be My Maybe” at “Can We Still Be Friends.”
Ngunit wala umanong katotohanan ang mga naglulutangang tsika patungkol sa mga personalidad na binanggit.
Kasalukuyang jowa ni Gerald ang aktres na si Julia Barretto at aniya sa isang panayam ay gusto raw niyang lumagay sa tahimik kasama ang huli.
“I’m closer to that,” sabi niya. “Kasi kung 5, 3 years ago, tanungin n’yo sa ’kin ’yan, ’Hindi, hindi.’ But syempre, that’s why I’m doing all of this kasi gusto ko maalagaan ’yong mga anak ko na wala silang iisipin.”
MAKI-BALITA: Gerald Anderson, handa nang pakasal: 'I'm closer to that'
Bagama’t umuugong ang bulung-bulungan na sila umano ay hiwalay na, pinabulaanan din naman ito ni Gerald kalaunan nang sumalang siya sa “Toni Talks” noong Hunyo.
MAKI-BALITA: Gerald Anderson, nagsalita na sa intrigang hiwalay na sila ni Julia Barretto