Tumanggap ng sako-sakong dog food ang viral na canine dog na si "Kobe," isang Belgian Malinois, nitong Huwebes, Agosto 7.
Ito'y matapos mag-viral ang larawan ni Kobe sa social media kung saan napansin ng mga netizen na buto't balat umano nito nang i-deploy sa isang operasyon sa Tondo sa Maynila.
MAKI-BALITA: Canine unit, nagpaliwanag kung bakit nangayayat ang kanilang police do
Kasunod ng mga concern mula sa mga netizen ay naglabas ng pahayag ang Regional Explosive and Canine Unit - NCR (RECU-NCR) at sinabi nilang nasa maayos na kondisyon si Kobe bago nila ito i-deploy.
Sinabi rin ng RECU-NCR na katatapos lamang din sumailalim ni Kobe sa 15 araw na refresher training noong Mayo 26 hanggang Hunyo 13, 2025, kung saan nasubok ang husay nito sa pag-amoy ng presensya ng bomba.
Ang naturang training ang nakikitang dahilan ng RECU-NCR kung bakit nangayayat din ang aso.
MAKI-BALITA: Canine unit, nagpaliwanag kung bakit nangayayat ang kanilang police do
Samantala, nagtungo nitong Huwebes, Agosto 7, sa punong tanggapan ng National Police Commission (NAPOLCOM) sa Quezon City si Kobe kasama ang kaniyang handler upang personal na tanggapin ang mga sako ng food donation mula umano sa mga pribadong indibidwal.
Kaugnay nito, ipinahayag ng Animal Kingdom Foundation kamakailan na napagkasunduan na isailalim muna sa rehabilitasyon si Kobe sa loob ng dalawa hanggang tatlong buwan bago ulit ito i=deploy.
"Given AKF’s concerns with the initial findings, it was mutually agreed that Kobe would first complete a 2–3 month rehabilitation period before any redeployment," anag AKF.
"We will closely monitor Kobe's recovery and continue to push for accountability and systemic welfare improvements for all working animals. Every service dog deserves proper care, dignity, and protection."