January 05, 2026

Home FEATURES Trending

Babae, nalaman na kabit siya sa mismong kasal ng kapatid ng jowa niya: 'Sana sinabi agad nila'

Babae, nalaman na kabit siya sa mismong kasal ng kapatid ng jowa niya: 'Sana sinabi agad nila'
Unsplash, Pexels

Inamin ng isang babae na nasaktan siya nang malamang kabit siya. Ang plot twist? Mga magulang pa ng boyfriend niya ang mismong nagsabi. 

Sa Facebook page na "Quest Diaries," ibinahagi ang kuwento ng isang babae 

Una pa lang daw ay hindi na siya sinasama sa mga family gathering pero isang araw daw ay nag-message sa kaniya 'yong tatay ng boyfriend niya at inimbitahan siya sa kasal ng anak na babae nito. 

"Hindi ko po madescribe kung okay lang ba relasyon ko sa family ng boyfriend ko, kasi hindi po nila ako sinasama sa mga gatherings. Hindi ko alam kung ayaw ba nila sakin or what kaya nagulat ako isang beses chinat ako ng papa ni boyfriend, iniinvite ako sa kasal ng ate ni bf, expected ko naman hindi ako iinvite kasi intimate wedding yun at hindi pwede ang plus one unless pmayag ate ni bf," saad ng babae. 

Trending

'Mas marami pa akong maletang ipapadala!' Geodetic engineer couple, sinorpresa ni 'Zaldy Co' sa kasal

"Basta ang sabi lang sakin ng papa nya, huwag ko sasabihin kay bf isusurprise ko daw sya," giit pa niya.

Pagdating daw niya sa wedding ceremony nandoon daw siya sa pinakadulo. Kasama raw sa entourage ang boyfriend niya at nagulat nang makita siya nito. 

"Pagdating po sa ceremony nandon ako sa pinakadulo, kasama sa entourage boyfriend ko nakita nya ako at yung itsura nya parang nagulat na sabi pa nya “ano gnagawa mo dito” ngumiti lang ako. Hindi ko nakita si bf after ng ceremony sa reception na at lagi nya kasama yung partner nya sa entourage," kuwento niya.

"Kasama nya sa table yung gurl ako nasa ibang table malayo sa pwesto ng family nila, tinanong ko nga papa nya kung okay lang ba na tumabi ako sakanila may seating arrangement daw kasi."

Pagkatapos daw ng dinner, nilapitan siya ng boyfriend niya at paulit-ulit na tinanong kung bakit siya nandoon sa kasal ng ate nito. Sagot pa niya, plus one daw siya ng boyfriend niya.

Lumapit daw yung isang babae at tinawag na "hon" ang boyfriend niya. Matapos nito, ipinakilala sa kaniya ang babae bilang asawa ng boyfriend niya.

"After ng dinner tsaka ako nilapitan ng bf ko, inulit ulit nya ano daw gngawa ko doon, sabi ko plus one nya ako. Tapos lumapit samin yung babae ang tawag nya sa bf ko “hon”, tsaka na lumapit sakin papa at mama ni bf sila nagsabi na “Zi, si M asawa ni M (bf ko)."

"Nagsorry sila sakin hindi para maipah!ya ako sa pamilya nila pero ito lang daw ang best way para ipaalam sakin na ako ang kab€t, nkakahiya pa kasi mga bisita nalaman nila tungkol sakin, sa mismong kasal pa sa sobrang daming pwede lugar na ipaalam sakin."

"Bakit kelangan ako ang mpah!ya, wala naman akong alam tungkol sa asawa ng bf ko, even family nila nameet ko na sila before pero the 1st time they met me sana sinabi na nila. Siya nagluko sa asawa nya pero ako ang parang may ksalanan na nkipagrelasyon ako sa may asawa kahit di ko naman alam," pagtatapos ng kuwento ng babae. 

Dahil sa kuwentong ito, nagbigay ng advice ang mga netizen sa comment section ng post:

"Oh no.  Need aggressive measures here, sender. You need to block all of them. Alam ko mahirap pero that is pure evil. Evil acts need emergency actions. And your action now is to block your ex and everyone else connected to your ex. You need to disappear from their lives. Ang goal mo: TURN THEM INTO STRANGERS. Not enemies ha kasi pag enemies may nakatali parin na emotions. STRANGERS DAPAT. Mahirap I know but sist, this is tragic and tragic measures are required."

"Now that you know he has a wife, and after the public humiliation you went through, it’s time to cut them all off. Block your boyfriend, his family, and everyone connected to him.Don’t forget the lesson this taught you: not everyone who smiles at you has good intentions. But you’ll be wiser, stronger, and yes, you’ll find the right one eventually. One who won’t keep you a secret. One who’ll protect your name, not stain it.Walk away like the queen they never deserved.This is just my opinion. Whatever you choose for yourself is valid. Just don’t let this pain go to waste. Grow from it."

"kng ako yan ndi pwdeng ndi ako gumanti. kausapin mo ung asawa nung lalaki khit s chat. ipaliwanag mo n pareho kaung niloko ng lalaki at ng pamilya nya.kng me ebidensya k mula s panliligaw ng lalaki pati s pagpunta punta mo s bhay ng family nya ilabas mo, ipakita mo s asawa nya. mbawasan man lng bigat ng dibdib mo."

"Sa ngayon talaga Ang hirap mag tiwala,sinadya Ng pamilya nya na ipahiya ka sa maraming tao,kung sila desenting tao Hindi dapat Ganon Ang asal nila,pero pinalabas ka nila na masama at biktima Ang anak nila,diba dapat una nilang kagalitan Ang anak nila sila bilang magulang dapat Ang nag desiplina sa anak ni una palang tinama nila Ang setwasyon pero hinayaan nila Ang anak nila at kinonsinti,Ibig sabihin may pananadya na naganap,parang Wala din pinag aralan Ang pamilya Ang gusto nila mala teleserye Ang ganap.may balik din Yan sa knila.anyway wag ka Ng manghinayang sa bf ex mo at sa pamilya nya kc Mukha nmang toxic Isa sa pinaka mahirap maging kapamilya ay Ang toxic na tao.hindi lng bf mo maging pamilya nya kaya ok lng yan,move on at NXT time na papasok ka sa relation alamin mo kung talagang single o Hindi."

"Pinaglaruan ka ng pamilya nila. Tinolerate muna kalokohan ng anak nila.. sana nagreact kana para nasira din event nila at kasal ng anak nila. Kasalanan din naman nila para sila sila magsisihan at mapahiya sa mga bisita nila.. umeksena kana sana agad para silang lahat napahiya ng harap harapan para may closure ka agad. Then after that move on!"

"Makapal din talaga mukha ng mga lalaking nagpapanggap na single kht taken worst my asawa na. Mali din parents dapat una palang pinaalam na nila. Pero ngaun alam mo na atleast nakalayo kana sa dun sa ex bf mo at sa family nya na kunsintidor."