December 13, 2025

Home BALITA National

HS Romualdez sa serbisyo para sa mga Pilipino: 'Di sapat ang puwede na'

HS Romualdez sa serbisyo para sa mga Pilipino: 'Di sapat ang puwede na'
Photo Courtesy: House of Representatives of the Philippines/FB

Inilahad ni House Speaker Ferdinand “Martin” Romualdez sa unang regular na sesyon ng 20th Congress ang mga kailangang tugon ng House of Representatives (HOR) sa pangangailangan ng mga Pilipino nitong Martes, Hulyo 29, 2025.

Nananawagan ang house speaker sa mga miyembro ng HOR ng pagbabago sa sistema ng bureaucracy, na sila ay nararapat na magpasa ng mga batas ukol sa mas epektibong serbisyo sa publiko.

“Hindi na sapat ang puwede na. Ang kailangan ng Pilipino: mabilis, maayos at may malasakit na serbisyo,” ani Romualdez. Hinikayat din niyang huwag lamang manatili ang kongresong ito sa paggawa ng batas, kung ‘di maging “turning point” para maibalik ang tiwala ng mga Pilipino sa pamahalaan.

“Let the 20th Congress be a turning point — not just in the laws we pass, but in the lives we changed,” aniya.

National

Middle forces, Marcos bloc kailangang magkaisa para 'di manalo Duterte bloc sa 2028—Antonio Trillanes

“Hindi sapat ang mga batas na mahusay. Kailangang ito ay may puso. Hindi sapat ang batas na maganda sa papel — dapat ito’y may saysay sa buhay,” dagdag pa ng house speaker.

Tinapos niya ang kaniyang talumpati sa paghikayat sa kaniyang mga kapwa mambabatas na magtrabaho nang may malasakit at magsagawa ng makabuluhang pagbabago nang maibalik ang paniniwala ng publiko sa gobyerno.

“We are the House of the People. Let us be remembered for being worthy of that name,” aniya.

Vincent Gutierrez/BALITA