December 13, 2025

Home BALITA National

Sen. Imee, nakaitim sa pagbubukas ng 20th Congress, bakit?

Sen. Imee, nakaitim sa pagbubukas ng 20th Congress, bakit?
Photo courtesy: Imee Marcos/FB

Ibinahagi ni Sen. Imee Marcos ang dahilan kung bakit siya nakasuot ng kulay-itim na Filipiniana sa pagbubukas ng 20th Congress ngayong Lunes, Hulyo 28.

Mababasa sa kaniyang Facebook post sa parehong araw, na nakasuot siya ng itim dahil naninindigan pa rin siya sa bitbit na "I.T.I.M." sa nagdaang kampanya niya sa kandidatura upang ma-reelect bilang senador.

"I.T.I.M. pa rin tayo hanggang sa pagbubukas ng ika-20 Kongreso ngayong Lunes, Hulyo 28," anang senadora.

Ipinaliwanag niya na ang ibig sabihin ng pagsusuot ng kulay-itim ay "Ipaglaban ang Tama, Itama ang Mali."

National

Middle forces, Marcos bloc kailangang magkaisa para 'di manalo Duterte bloc sa 2028—Antonio Trillanes

Matatandaang ikinampanya si Sen. Imee ni Vice President Sara Duterte gamit ang nabanggit na political tagline.

Sa isinagawang virtual conference noong Abril 15, sinabi ni Sen. Imee na si VP Sara umano ang utak sa likod ng advertisement.

“Sa totoo lang biglaan na lang kami. Pareho kami nakalimot na may kampanya pala... Siya ang nagpupumiglas na kinakailangang itim... Itim ay simbolo na 'Ipaglaban ang Tama, Itama ang Mali,'" saad ni Sen. Imee.

Dagdag pa niya, “Totoo nga naman. Parang 'di naman angkop na magsayaw-sayaw. ‘Di naman tama na magmomotor, wala na sa lugar sa panahon na ito na napakahirap ng dinadanas ng ating mga mamamayan.”

Bukod dito, naghayag din ang senadora ng lungkot sa kasalukuyang ugnayan nila ng kapatid niyang si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.

Aniya, "'Di naman masaya na ganon, na may humahadlang, na may mga harang, na hindi na kami nakakapag-usap nang maayos at kung tutuusin, pamilya pa rin kami pulitika lang ito."

"Malungkot ako dito, hindi ko pinagmamalaki itong mga pangyayari. Sana nabigyan ng solusyon," dugtong pa ng senadora.

Matatandaang inanunsiyo kamakailan ni Sen. Imee ang pagkalas niya sa senatorial slate ng administrasyon, ang "Alyansa Para sa Bagong Pilipinas."

KAUGNAY NA BALITA: 'ITIM' campaign ad concept, pakana raw ni VP Sara sey ni Sen. Imee