December 13, 2025

Home BALITA Metro

‘Puwede sa apoy, puwede sa tubig!’ BFP, sumaklolo sa mga binaha

‘Puwede sa apoy, puwede sa tubig!’ BFP, sumaklolo sa mga binaha
Photo courtesy: BFP/FB

Saludo ang netizens sa ipinakitang kagitingan ng Bureau of Fire Protection (BFP) matapos rumesponde sa mga apektadong residente ng pananalasa ng southwest monsoon (habagat) at baha sa ilang mga lugar sa Metro Manila.

Makikita sa Facebook page ng Bureau of Fire Protection na aktibong tumulong ang ahensya sa mga bata, matatanda, at pati na rin sa mga hayop na apektado ng matinding pag-ulan at baha.

Ang ilan sa kanila ay gumamit ng lifeboat upang masagip ang mga residente. May ilan ding gumamit ng palanggana upang iligtas ang mga sanggol na kabilang sa mga apektado.

Narito ang ilan sa mga komento ng netizens:

Metro

Misis, sinaksak ng mister sa leeg

“Salamat BFP sa tapang at malasakit—saludo kami sa pagsagip niyo sa bawat buhay, tao man o hayop—ingat po kayo palagi!”

“Thank you po sa sakripisyo. Mabuhay po kayo. God bless po!”

“Salute you all. Keep safe.”

Hirit naman ng isa pang netizen, ang BFP ay maituturing na ‘unsung heroes.’

Vincent Gutierrez