January 04, 2026

Home SHOWBIZ

Meta, nilusaw socmed account ng ilang influencers na endorser ng illegal online gambling

Meta, nilusaw socmed account ng ilang influencers na endorser ng illegal online gambling
Photo Courtesy: Meta (FB), via MB

Inanunsiyo ng Digital Pinoy ang pagbura ng mga social media account ng ilang Pilipinong influencer na nagpo-promote ng illegal online gambling.

Ito ay matapos ang kanilang joint request sa Meta kasama ang Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC).

Sa pahayag na inilabas ni Digital Pinoys National Campaigner Ronald Gustilo noong Linggo, Hulyo 20, pinasalamatan niya ang hakbang na ginawa ng Meta para aksyunan ang naturang problema.

“We thank Meta for swiftly acting on our joint request with CICC to take down the pages of influencers blatantly promoting illegal online gambling. We hope the remaining pages flagged in our initial report will be removed in the coming days,” saad ni Gustilo.

Mister ni Small Laude, itinanggi pagkakadawit sa mga ilegal na gawain

Bukod dito, pinuri din ni Gustilo ang pagtugon ng CICC na talagang desidido rin umanong protektahan ang mga Pilipino mula sa mga ilegal na bagay.

Dagdag pa niya, “Some of these influencers thought they were untouchable—that we were bluffing. They had more than enough time to comply. They gambled with the law, and now they’re facing the consequences.”

Kabilang sa mga influencer na nilusaw ang socmed account ay sina Sachzna Laparan, Boy Tapang, Mark Anthony Fernandez, Kuya Lex TV, at 16 na iba pa.

Matatandaang sa isang press conference kamakailan ay nanawagan na rin si Senador Migz Zubiri sa mga celebrity na huwag gamitin ang posisyon upang mag-promote ng online gambling.

MAKI-BALITA: Zubiri, umapela sa mga celebrity na tigilan pag-eendorso ng online sugal kahit malaki bayad