December 13, 2025

Home SHOWBIZ Relasyon at Hiwalayan

Dominic at Sue nagbatian na, nagtukaan pa!

Dominic at Sue nagbatian na, nagtukaan pa!
Photo Courtesy: Sue Ramirez, Clara Chua (IG)

Bagay na bagay talaga ang celebrity couple na sina  Dominic Roque at Sue Ramirez dahil pareho pa sila ng birthday.

Sa Instagram story ng isa’t isa noong Linggo, Hulyo 20, ipinangalandakan na talaga ng dalawa ang pagmamahalan nila sa isa’t isa. 

“Happt Birthday to us bby,” sabi ni Dominic.

Bati naman ni Sue, “Happy birthday, my [Dominic Roque]”

Relasyon at Hiwalayan

Bianca De Vera, kering pagsabayin 2 lalaki sa isang relasyon?

Bukod sa nagbatian sila, ni-repost din ni Dominic ang IG story ni Clara Chua kung makikita ang larawan nilang dalawa ni Sue na magkahalikan.

Matatandaang sa isang magkahiwalay na panayam noong Disyembre 2024 ay kinumpirma nina Dominic at Sue ang real-score sa pagitan nilang dalawa.

MAKI-BALITA: Dominic Roque, Sue Ramirez nasa dating stage na!

Pero hindi ito ang unang beses na nabilad sa publiko ang kanilang intimate moment, dahil bago pa man nila aminin ang namamagitan sa kanilang dalawa, naispatan na sina Dominic at Sue na magkatukaan sa isang bar sa Siargao noong Nobyembre 2024.

 MAKI-BALITA: Sue Ramirez, Dominic Roque naispatang naghalikan?

Inirerekomendang balita