Magpapatuloy pa rin ang malalakas na pag-ulan sa Metro Manila at iba pang lugar at lalawigan sa Luzon hanggang Martes, Hulyo 22, ayon sa weather forecast ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).
Sa weather advisory na inilabas ng ahensya, sinabi nilang patuloy na makararanas ng malalakas na pag-ulan ang National Capital Region (NCR) at iba pang mga lugar sa Luzon dahil sa ulang dulot ng southwest monsoon o habagat.
Asahin pa rin ang posibleng pagbaha sa mga lugar na bahain o flood-prone areas.
Tuluyan nang lumabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyong #CrisingPH noong 10:00 ng umaga ng Sabado, Hulyo 19.
KAUGNAY NA BALITA: #CrisingPH, nakalabas na ng PAR; ilang lugar Luzon, nakataas pa rin sa signal no. 2
Subalit hindi pa rin natuyo ang ilan sa mga lugar dahil sa patuloy na pag-ulang dala-dala ng habagat.
Samantala, ilang mga lugar at lalawigan na sa Luzon at Visayas ang nagsuspinde ng mga klase para sa Lunes, Hulyo 21.
KAUGNAY NA BALITA: #WalangPasok: Class suspensions para sa Lunes, Hulyo 21, 2025
Inirerekomenda pa rin ang palagiang pagdadala ng mga proteksyon sa ulan gaya ng payong at kapote. Umiwas sa paglusong sa baha kung kinakailangan upang makaiwas sa mga sakit tulad ng leptospirosis.