January 04, 2026

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

'May hinawakan!' River naurirat kung ano agad ginawa pagkalabas ng PBB House

'May hinawakan!' River naurirat kung ano agad ginawa pagkalabas ng PBB House
Photo courtesy: Screenshots from It's Showtime/YT

Aliw ang sagot ni "Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition" Kapamilya housemate at 4th Big Placer River Joseph sa tanong ni Unkabogable Star Vice Ganda kung ano agad ang una niyang ginawa pagkalabas ng Bahay ni Kuya.

Nagsilbing hurado para sa segment na "Breaking Muse" sina River at ka-duo na si Kapuso housemate AZ Martinez.

Urirat ni Vice, ano ang unang ginawa ni River na hindi niya magawa sa loob ng Bahay ni Kuya.

"Alam mo na 'yan Meme Vice," ani River. "Mahawakan ang... pamilya ko... at makakain ng masasarap na pagkain," natatawa pang dagdag niya.

Tsika at Intriga

Walang pa-anything, kukubra na lang? VIVA Films, binakbakan dahil kay Vice Ganda

Matatandaang kinaaliwan din ang sagot ni River nang matanong naman siya sa guesting nila sa musical variety show na "All-Out Sundays."

"Pag-uwi ko, nilaro ko 'yong... aso ko. At diretso sa kama... para matulog," aniya.

KAUGNAY NA BALITA: River Joseph, may 'nilaro' agad pagkauwi sa sariling bahay

Tumatak kasi si River sa loob ng PBB House bilang isang "green flag" pero natatawa naman sa mga "green jokes."

Sa vlog naman nina Meme Vice at isa pang ex-housemate na si "Nation's Mowm" Klarisse De Guzman, nabanggit ng huli na para sa kaniya at batay sa nakikita niya, si River daw ang "daks" sa lahat ng mga nakasamang male housemates, na ni-reveal naman sa tuwing nagsusuot ng gray pants.

KAUGNAY NA BALITA: Buking ni Klang: River 'daks' sa PBB boys, bakat 'lapel' sa gray pants