December 14, 2025

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Hirit ni Vice Ganda: Shuvee ginalingan, parang may bet patotohanan kay Fyang

Hirit ni Vice Ganda: Shuvee ginalingan, parang may bet patotohanan kay Fyang
Photo courtesy: Screenshots from Kapamilya Online Live (YT)

Usap-usapan ng mga netizen ang pabirong hirit ni Unkabogable Star Vice Ganda kay dating Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition Kapuso housemate Shuvee Etrata, nitong Martes, Hulyo 15.

Nagbalik ulit kasi si Shuvee sa noontime show na "It's Showtime" para magsilbing guest co-host.

Nagkataon namang nakasalang bilang hurado ng "Escort of Appeals" si Pinoy Big Brother Gen 11 Big Winner Fyang Smith, kasama ang katambal at dati ring co-housemate na si JM Ibarra, at aktres na si Gladys Reyes.

Pinuri ni Vice Ganda ang mga banat at energy ni Shuvee sa hosting.

Tsika at Intriga

'Mapapasubo?' Doris Bigornia, kakayanin 8 MMFF movies basta ka-date si Atom Araullo

"Hay naku ginagalingan ni Shuvee, parang gusto niyang ano, patotohanan kay Fyang na 'yong batch nila ang mas magaling kaysa sa batch nila Fyang," sey ni Vice Ganda.

Hirit naman ni Vhong Navarro, para naman daw kay Kim Chiu, ang batch nila ang the best.

Pero safe naman na sagot ni Shuvee, naniniwala siyang lahat daw ng batch ng PBB ay magagaling at magaganda ang housemates. Makikita namang pumalakpak sa sagot niya si Fyang."

"Successful man daw ang PBB  Collab Celebrity Edition, pero para sa akin Kuya, lahat ng mga housemates mo, lahat ng edition, magagaling at magaganda," sagot ni Shuvee, nang kunwari ay tanungin siya ni "Big Brother" kung sino ba sa palagay niya ang best batch. 

Segunda naman ni Vice Ganda, ang mahalaga raw, lahat ng naging housemates sa PBB ay naging busy sa kanilang mga proyekto at guestings.

Matatandaang umani ng reaksiyon at komento mula sa netizens ang naging hirit naman ni Fyang sa isang event, na para sa kaniya, best batch ng PBB ang Gen 11 at walang makakatalo sa kanila. 

KAUGNAY NA BALITA: Sigaw ni Fyang Smith: ‘Walang makakatalo sa batch namin!’

Pati si Kapuso comedienne Pokwang ay napa-react pa rito at pinayuhan si Fyang na aralin muna ang maging humble at huwag muna magmayabang. 

KAUGNAY NA BALITA: Be humble! Pokwang kay Fyang, 'Iha please wag muna magyabang, bad yan'