May 22, 2026

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Be humble! Pokwang kay Fyang, 'Iha please wag muna magyabang, bad yan'

Be humble! Pokwang kay Fyang, 'Iha please wag muna magyabang, bad yan'
Photo courtesy: Pokwang, Fyang Smith (IG)

Usap-usapan ng mga netizen ang naging umano'y komento ni Kapuso comedienne-TV host Pokwang sa isang post ng entertainment page patungkol kay "Pinoy Big Brother Gen 11" Big Winner-turned-singer Fyang Smith.

Sa "Circle of Stars," ibinahagi kasi ang naging hirit ni Fyang patungkol sa batch nila ng PBB. Biro kasi ni Fyang, wala raw makakatalo sa kanilang batch.

Batch nila ang sinundan ng sumakses at katatapos lamang na Celebrity Collab Edition, kauna-unahang sanib-puwersa ng ABS-CBN at GMA Network pagdating sa production ng reality show.

Minasama kasi ng maraming netizens ang "spliced video" ng pahayag ni Fyang patungkol sa kanilang video, kung saan, ipinagdiinan ni Fyang na biro lang ang sinabi niyang walang makakatalo sa batch nila.

"Alam mo, kahit ilang batch pa ’yan, walang makakatalo sa batch namin. Hello? Gen 11? Breaking… Highest… Hello? Hindi, joke lang! Kaya walang makakatalo sa batch namin kasi lahat kami very genuine, very authentic. Akala nga namin walang nanonood, kaya lahat kami gano’n mga ugali namin," aniya.

Tsika at Intriga

Andrea Del Rosario, nagbiro sa mga may pic kasama si Bato: 'Lahat kayo for questioning daw!'

KAUGNAY NA BALITA: Sigaw ni Fyang Smith: ‘Walang makakatalo sa batch namin!’

Kumalat naman ang screenshot ng umano'y komento tungkol dito ni Pokwang, sa isang verified social media account niyang "Marietta Subong" o tunay niyang pangalan.

Mababasa sa komento ang tila "pangaral" niya kay Fyang na higit dalawang dekada na siya sa showbiz, at ang sikreto raw para manatili ay "BE HUMBLE."

Mababasa sa umano'y komento ni Pokwang, as is published, "my God iha 21 years na ako sa showbiz at ang sekreto BE HUMBLE iha yan muna ang pag aralan naka ilang pbb season na ang nasaksihan ko pero iilan nalang silang active sa showbiz so iha please wag muna mag yabang bad yan."

Photo courtesy: Marietta Subong via Abs Quimma (FB)

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag patungkol dito ang kampo ni Fyang. Bukas ang Balita sa kaniyang panig.