December 14, 2025

Home SHOWBIZ Events

Awra Briguela nagtapos ng senior high school, nagpasalamat kay Vice Ganda

Awra Briguela nagtapos ng senior high school, nagpasalamat kay Vice Ganda
Photo courtesy: Awra Briguela (IG)

Inialay ng TV personality na si Awra Briguela ang pagtatapos niya sa Senior High School kay Unkabogable Star Vice Ganda, na mababasa sa kaniyang Instagram post noong Lunes, Hulyo 14.

Nagtapos si Awra ng SHS sa University of the East (UE). Nagpasalamat si Awra sa lahat ng mga taong nagpadali sa kaniyang pagbabalik sa pag-aaral, na akala niya ay imposible na.

Special mention si Meme Vice dahil sa wala raw humpay na pagsuporta sa kaniya.

"At siyempre, kay Meme Vice, salamat po sa patuloy na suporta at pagtulong para makabalik ako sa pag-aaral. Isa po kayo sa mga dahilan kung bakit ko narating ang lahat ng ito. Kung hindi n'yo po siguro sinabi na naniniwala kayo sa akin, baka hindi rin ako naniwala sa sarili ko na kaya ko. Pangako, hindi ko po kayo bibiguin," aniya.

Events

Chelsea Fernandez, inirampa Maranao Sarimanok sa Miss Cosmo 2025

Ipinangako naman ni Awra na magpapatuloy siya ng pag-aaral sa kolehiyo at mas pagbubutihin pa niya.

Bago nito, ibinida rin ni Awra ang mga larawan nila ni Meme Vice habang ipinakikita ang grades niya.