December 14, 2025

Home BALITA Metro

Payroll ng allowance para sa mga estudyante ng Maynila, pirmado na ni Yorme

Payroll ng allowance para sa mga estudyante ng Maynila, pirmado na ni Yorme
Photo Courtesy: Isko Moreno (FB)

Inanunsiyo ni Manila City Mayor Isko Moreno ang pagpirma niya ng payroll para sa student allowance ng mga mag-aaral sa Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (PLM), Pres. Corazon Aquino Senior High School, at Quirino Senior High School.

Sa isang Facebook post ni Moreno nitong Lunes, Hulyo 14, sinabi niya kung magkano ang halagang matatanggap ng mga estudyante sa mga binanggit na paaralan.

“Bawat buwan, may matatanggap na ₱1,000.00 na allowance ang bawat estudyante. Para sa quarter na ito, ₱2,000.00 ang makukuha ng mga estudyante para sa nasabing mga buwan,” saad ni Moreno.

Ayon sa alkalde, ang allowance na ito raw ay nilaanan ng budget na nagkakahalaga ng ₱19.852 milyon.

Metro

Misis, sinaksak ng mister sa leeg

Dagdag pa niya, “[N]apirmahan na rin natin ang payroll para sa mga senior high school students sa Pres. Corazon Aquino High School para sa buwan ng Enero 2025 na may 273 benepisyaryong estudyante, at sa Quirino High School para sa buwan ng Marso 2025 na may 209 benepisyaryong estudyante. “

Papatak sa ₱500.00 kada buwan ang matatanggap ng mga estudyante sa senior high school.