December 13, 2025

Home BALITA Metro

Yorme, kinuha si Mocha bilang tagapaghatid-balita

Yorme, kinuha si Mocha bilang tagapaghatid-balita
Photo Courtesy: Isko Moreno (FB)

Inanunsiyo ni Manila City Mayor Isko Moreno ang pagtatalaga niya sa TV at social media personality na si Mocha Uson bilang tagapaghatid ng balita sa pinamumunuan niyang lungsod.

Sa isang Facebook post ni Moreno noong Biyernes, Hulyo 11, sinabi niyang makakasama na niya si Mocha sa “Yorme’s Hour” tuwing Biyernes.

“Makakasama na natin si Mocha Uson sa Yorme’s Hour tuwing Biyernes upang maghatid ng mga kaganapan at balita tungkol sa minamahal nating Lungsod ng Maynila,” saad ni Moreno.

Dagdag pa niya, “Ito ay isang programa ng Pamahalaang Lungsod ng Maynila sa ilalim ng Manila Public Information Office (MPIO), alinsunod sa pinirmahan nating Executive Order No. 7: ‘An Order Mandating the Adoption of an Open Governance Policy.’”

Metro

Misis, sinaksak ng mister sa leeg

Matatandaang tumakbong councilor sa District 3 ng Maynila si Mocha sa ilalim ng "Yorme's Choice" ngunit bigo siyang makakuha ng sapat na boto.

Samantala, dati nang nagsilbi bilang assistant secretary ng Presidential Communications Operations Office (PCOO) ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte si Mocha.