December 13, 2025

Home FEATURES Lifehacks

ALAMIN: Paano malalaman, huhulihin kung may 'kabit?'

ALAMIN: Paano malalaman, huhulihin kung may 'kabit?'
Photo courtesy: Pixabay/Freepik

Siguradong pagdating sa katapusan, pare-parehong ayaw ng karamihan ang pagdating ng mga bisitang sina "Bill" at "Judith."

Lalo na sa usapin ng bayarin ng kuryente!

Parang nanakit nga ang ulo ng mga utaw sa lumabas na balitang magpapatupad ang Manila Electric Company (Meralco) ng dagdag sa singil sa kuryente ngayong Hulyo.

Sey ng Meralco, ang taas-singil ay aabot sa 49 sentimo kada kilowatt hour (kWh). Ito ay bunsod daw nang mas mataas na generation at transmission charges.

Lifehacks

‘Kaka-selpon mo ‘yan!’ ALAMIN: Maililigtas ka ba ng phone mo sa lindol?

Nangangahulugan anila ito na ang mga tahanang kumukonsumo ng kuryente na 200 kwh kada buwan ay magkakaroon ng dagdag na ₱98 sa kanilang bayarin.

Ang mga nakakagamit naman ng 300 kwh ay magkakaroon pa ng dagdag na bayarin na ₱146 habang ₱195 naman sa nakakakonsumo ng 500 kwh kada buwan. Nasa ₱244 naman ang dagdag na bayarin ng mga nakakagamit ng 500 kwh kada buwan.

KAUGNAY NA BALITA: Meralco, may dagdag-singil ngayong Hulyo

Kaya kung halimbawang tataas ang singil, paniguradong mas tataas pa ito kung may naka-jumper sa inyong kawad.

Ang ibig sabihin ng "jumper" ay kolokyal na tawag sa mga ilegal na koneksyon ng kuryente, lalo na sa mga household o sambahayang walang kakayahang magkaroon ng sariling kuntador.

In short, "kumakabit" sa mga bahay na may kuryente para makalibre sa pagbabayad ng kuryente. 

Ang iba naman, ginagawa itong negosyo o pinagkakakitaan, sa panig naman ng may sariling kuntador. Ang mangyayari, patak-patak na lang sa pagbabayad para mabuo ang kabuuang kailangang bayaran sa pagtatapos ng buwan. 

Labas sa batas ang ilegal na koneksyon ng kuryente, ayon na rin sa Republic Act 7832 na may titulong Anti-Pilferage of Electricity and Theft of Electric Transmission Lines/Materials Act of 1994 o batas laban sa pagnanakaw ng kuryente at pang-elektrisidad na linya/materyales.

Ayon sa Meralco, puwedeng maparusahan ang mga gumagawa ng pandaraya sa paggamit ng kuryente at pagnanakaw sa anumang electric transmission lines at mga materyales na may kaugnayan sa elektrisidad.

Sa ganitong paraan, magiging makatwiran ang system loss ng isang electric utility at tuluyang maalis o mapababa ang “pilferage losses” o nawawalang kuryente sanhi ng pandaraya.

Ayon pa sa kanila, para sa electric meter tampering at paggamit ng anumang koneksyon na may kinalaman sa pagnanakaw ng kuryente, narito ang puwedeng disciplinary action kapag napatunayang lumabag:

- Prison Mayor o pagkabilanggo mula anim (6) na taon at isang (1) araw hanggang 12 taon.

- Multa o fine mula sampung libong piso (₱10,000.00) hanggang dalawampung libong piso (₱20,000.00), batay sa hatol ng hukuman

- Balik-kuwenta o Differential Billing)- halagang ipapataw sa taong may kinalaman para sa kuryenteng ilegal na ginagamit niya

- Rekargo o surcharge

- Tuluyang pagputol sa serbisyo- ang pribadong kompanya ng elektrisidad o kooperatibang pang-elektrisidad ay bibigyan ng kapangyarihang itigil o putulin ang serbisyo ng kuryente ng isang consumer kung hindi ito makababayad sa mga itinakdang rekargo

Mahalagang tiyaking ang ating koneksyon sa kuryente ay legal, ligtas, at ayon sa batas. Bukod sa panganib ng sunog at aksidente, ang paggamit ng jumper o ilegal na koneksyon ay may katapat na parusa sa ilalim ng batas. Narito ang mga senyales na maaaring magpahiwatig ng ilegal na koneksyon sa kuryente:

1. Walang Metro o Nawawala ang Electric Meter

Kung napansin mong walang metro ng kuryente ang isang bahay o establishment, pero may kuryente sila, posibleng gumagamit ito ng jumper. Ang metro ay mahalagang bahagi ng legal na koneksyon.

2. May Metro Pero Walang Galaw ang Dial o Reading

Ang isang “frozen” o hindi gumagalaw na metro kahit na may aktibong paggamit ng appliances (gaya ng aircon, ref, at ilaw) ay maaaring indikasyon ng tampered o bypassed na metro.

3. Labis na Mababa ang Buwanang Bill Kumpara sa Aktuwal na Konsumo

Kung napakababa ng electric bill ng isang bahay kumpara sa dami ng appliances o sa laki ng lugar, maaaring may nilalabag na koneksyon ito.

4. May Nakalawit o Kakaibang Kable Mula sa Poste ng Kuryente

Ang mga kable na tila hindi maayos ang pagkaka-install—lalo na ang mga nakadirekta mula sa poste patungo sa bahay, at hindi dumaan sa metro, ay posibleng jumper o ilegal na tap.

5. May Gumagamit ng Kuryente Kahit Walang Aktibong Account sa Power Provider

Kung ang isang bahay o negosyo ay nakatirik na ngunit walang rekord ng aktibong account sa Meralco o lokal na electric cooperative, malamang na naka-jumper ito.

6. Madalas na Itinatago ang Meter o Koneksyon

Kung ang metro ng kuryente ay nakatago, nakakandado nang hindi maayos, o mahirap ma-inspeksyon, maaaring sinasadya itong ilihim dahil sa ilegal na koneksyon.

7. May Reklamo o Whistleblower Mula sa Kapitbahay

Minsan, mismong mga kapitbahay ang nakakapansin at nagrereklamo. Kung may ulat ng biglaang pagtaas ng singil sa iba’t ibang bahay sa iisang linya o transformer, maaaring may illegal user sa paligid.

Kung may hinala kang may jumper o illegal na koneksyon sa inyong lugar:

- Huwag itong hayaan. Maaaring magdulot ito ng sunog o aberya sa supply ng kuryente sa buong komunidad.

- I-report agad sa power provider tulad ng Meralco o sa inyong lokal na electric cooperative.

- Huwag subukang alisin o hawakan ang jumper. Delikado ito at maaaring magdulot ng electrocution.

Samantala, napag-usapan naman sa social media platform na "Reddit" ang tungkol dito. Tanong kasi ng isang netizen, "What are the signs po ba na may naki jumper sa kuryente?"

"usually kasi bill namin is around 3k lang pero these past few months naging 8k bigla, naka off namn ref namin every night kapag wala nang frozen foods tapos sabi nila hindi daw malaki mag coconsume electricity ang exhaust fan," aniya pa.

Narito naman ang ilan sa reaksiyon, komento, at sagot ng netizens (baka sakaling makadagdag at makatulong):

"Turn off mo yung main breaker. Kung umiikot parin ang metro, alam na this."

"Turn off your fuse/main switch. Pag umiikot pa din metro mo, mag duda ka na"

"wag nyo patayin ref every night kasi everytime na papalamigin nyo, it generates more power than just maintaining the coolness na sinet nyo. or wag na lang mag ref at all bili na lang yelo kung wala frozen foods at tubig lang laman."

"Natatawa ako, naalala ko lastyear biglang naging 10k bill namin at nung pinatay yung main switch, namatay rin yung lahat ng poste sa daan yun pala naconnect yung lahat ng poste sa amin."

"Pa inspection nyo sa DU nyo if jumper wire yung suspicion nyo. Pero bago yan check mo muna to: If yung Meter nyo nasa poste then possible matap yan from poste to drop wire incoming sa bahay nyo. Ito yung hindi agad obvious. If yung meter nyo na sa labas lang ng bahay inspect nyo yung boung bahay nyo kung may possible tapping. Kung may access kayo sa meter nyo. Check mo yung current reading sa meter vs yung naka lagay sa bill. If malapit lang goods lang yan. Normally hindi na yan babagohin ng DU kasi parang advance payment nalang yan liban nalang kung malaki talaga discrepancy. Check mo rin kung may bago kayong appliances, example may electricfan kayo nadagdag na 60W at sabihin nalang natin na 24/7 itong naka andar for 1 Month, 30days × 24hrs × 60W = 43.2KW-Hr na yan na dagdag sa bill nyo."

"Have it inspected by an electrician especially wire after the Meter. Or review your bill, compare the meter reading against actual. If their are huge discrepancy, file your report to Meralco (service provider)"

Ikaw ka-Balita, feeling ninyo ba may nakakabit sa kuryente ninyo?