December 14, 2025

Home FEATURES Kahayupan (Pets)

Furparents pinalitan diaper ng pet nila sa baby changing table; netizens, umalma

Furparents pinalitan diaper ng pet nila sa baby changing table; netizens, umalma
Photo Courtesy: Any_Fact_2712 (Reddit)

Usap-usapan sa social media ang kumakalat na larawan ng furparent na pinapalitan ang diaper ng pet nilang aso sa baby changing table na nasa banyo ng isang mall.

Sa Reddit post ng user na Any_Fact_2712 kamakailan, ibinahagi niya ang umano’y hindi niya makakalimutang encounter sa iresponsableng pet-owners sa mga pampublikong espasyo.

“Share ko na rin yung never ko na makakalimutan way back in 2021. Pandemic era pa to. SM Clark. Ginagamit nila sa dog nila yung diaper changing table for babies! Grabe!” saad ng Reddit user.

Umani tuloy ng samu’t saring reaksiyon mula sa mga netizen ang nasabing post. Maaari daw kasing magkaroon ng zoonotic disease ang babies sa oras na maipasa sa kanila ang sakit na taglay ng hayop tulad ng aso. Narito ang iba pang komento ng netizens:

Kahayupan (Pets)

Alagang pusa, nategi dahil sa maling pagkakaunawa sa ‘pampatulog’

"OMG. As someone na may baby na gumagamit ng ganyan sa malls, nakakatakot pala"

"sadly many pet owners are. Theyre just raising pets for the clout or makiuso."

"So irresponsible . Tapos sasabihin eh dpaat oantay pantay di naggeets na iba ang pet sa baby wt..."

"nakakaloka e kaya naman palitan ng diapers ang pets on the spot mismo, mga nagiinarte lang yang mga yan pabibo masyado"

"nakakadiri! pwede i report yan sa management mismo"

"Im a pet owner too, and this is just despicable. PANG BABY YAN MGA HAYUP PA KAYO SA ALAGA NYO"

"Tingin ata nila sa mga infant babies aso kaya ganyan sila mag isip hayssst"