Maging ang bunsong anak ni Kapuso comedienne Pokwang na si Malia ay hindi umano nakaligtas sa pamumuksa ng fans ni Pinoy Big Brother Gen 11 Big Winner Fyang Smith.
Matatandaang sinita at pinaalalahan ni Pokwang si Fyang dahil sa nag-viral ng spliced video nito na pabirong humirit na wala umanong makakatalo sa batch nila sa PBB.
“Kaya walang makakatalo sa batch namin kasi lahat kami very genuine, very authentic. Akala nga namin walang nanonood, kaya lahat kami gano’n mga ugali namin," saad ni Fyang.
KAUGNAY NA BALITA: Sigaw ni Fyang Smith: ‘Walang makakatalo sa batch namin!’
Sabi naman ni Pokwang sa comment section ng naturang video, as is published, "my God iha 21 years na ako sa showbiz at ang sekreto BE HUMBLE iha yan muna ang pag aralan naka ilang pbb season na ang nasaksihan ko pero iilan nalang silang active sa showbiz so iha please wag muna mag yabang bad yan."
MAKI-BALITA: Be humble! Pokwang kay Fyang, 'Iha please wag muna magyabang, bad yan'
Kaya kinuyog ng ilang fans ng PBB Gen 11 Big Winner ang Kapuso comedienne at nadawit pa nga raw ang anak nitong si Malia. Isang netizen kasi ang nagtanong kung sino raw ba si Fyang.
MAKI-BALITA: Pokwang inaatake, pinupuksa ng ilang fans ni Fyang
“[Si]ya yung may mga fans na nagmamahal ng sobra to the point pati si Malia na anak ko wish nila ng di maganda! na screen shot kona para kasuhan,” sagot ni Pokwang.
Samantala, habang isinusulat ang artikulong ito, wala pa ring imik o pahayag si Fyang hinggil sa naturang isyu. Bukas ang Balita para sa kaniyang panig.