Ipinagwagwagan ni Kapuso comedienne-TV host Pokwang ang pagmamahal niya kay Kapamilya star-TV host Kim Chiu, na Big Winner din ng reality show na "Pinoy Big Brother."
Ibinahagi ni Pokie ang X post ni Kim kung saan makikita ang video clip ni Kim, nang mag-host siya ng Big Night ng "Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition" noong Sabado, Hulyo 5, sa New Frontier Theater, Cubao, Quezon City.
"Maganda, mabait, talented, humble at higit sa lahat mahal ko sya more power sayo nak @prinsesachinita," mababasa sa X post ni Pokwang.
Kaugnay ito sa naging pagsita niya kay Pinoy Big Brother Gen 11 Big Winner Fyang Smith kamakailan, patungkol sa sinabi niyang walang makakatalo sa batch nila.
"Alam mo, kahit ilang batch pa ’yan, walang makakatalo sa batch namin. Hello? Gen 11? Breaking… Highest… Hello? Hindi! Joke lang! Kaya walang makakatalo sa batch namin kasi lahat kami very genuine, very authentic. Akala nga namin walang nanonood, kaya lahat kami gano’n mga ugali namin," aniya.
Kumalat naman ang screenshot ng umano'y komento tungkol dito ni Pokwang, sa account niyang "Marietta Subong" o tunay niyang pangalan.
Mababasa sa komento ang tila "pangaral" niya kay Fyang na higit dalawang dekada na siya sa showbiz, at ang susi raw para manatili ay "BE HUMBLE."
Mababasa sa umano'y komento ni Pokwang, as is published, "my God iha 21 years na ako sa showbiz at ang sekreto BE HUMBLE iha yan muna ang pag aralan naka ilang pbb season na ang nasaksihan ko pero iilan nalang silang active sa showbiz so iha please wag muna mag yabang bad yan."
KAUGNAY NA BALITA: Be humble! Pokwang kay Fyang, 'Iha please wag muna magyabang, bad yan'
Hindi nagustuhan ng karamihan sa fans ni Fyang ang naging pahayag ni Pokwang, at agad siyang binanatan sa iba’t ibang social media platforms. Nag-trending pa nga ang pangalan ni Pokwang sa X dahil dito.
Banat nila, sana raw ay inintindi muna ni Pokwang na nagsabi naman daw ng "biro lang" si Fyang, at hindi naman daw intensyong magyabang tungkol sa kanilang PBB batch.
KAUGNAY NA BALITA: Pokwang inaatake, pinupuksa ng ilang fans ni Fyang
Samantala, nanindigan naman ang ilang tagasuporta ni Pokwang na wala raw masama sa paalala ng komedyante at na maaaring isa lamang itong general advice sa mga bagong artista.