Inamin straight face ni "Showtime Online Universe" host at social media personality AC Soriano na binash niya dati si Mika Salamanca, noong hindi pa siya pumapasok sa Bahay ni Kuya at tanghaling Big Winner duo ang duo nila ni Brent Manalo, sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition.
Nag-guest kasi ang BreKa, tawag sa duo ng dalawa, sa Monday episode ng SOU.
Mula mismo kay AC, sinabi niyang in fairness daw ay talagang sensational ang season ng celebrity collab ng PBB na ito, na sanib-puwersa ng ABS-CBN at GMA Network.
Giit ni AC, si Mika daw na "kontrobersyal" dati dahil sa mga isyung kinasangkutan, ngayon ay Big Winner na at naiba na ang tingin sa kaniya ng mga tao.
"Binash ko pa nga 'yan dati," sey ni AC sa harapan mismo ni Mika, na ikinatawa nilang dalawa.
"Pero hindi ba, tingnan mo naman, napatunayan mo ang self mo! Kaya congratulations!"
Sa X account ni AC, niretweet niya ang video clip nito.
"HAHAHAHAHAH I LOVE YOU MIKA KAHIT GANTIHAN MO PA AKO OK LANG!" aniya.
KAUGNAY NA BALITA: BreKa, itinanghal na ‘Big Winner!’
KAUGNAY NA BALITA: Mika Salamanca, 'di maintindihan kung anong ginawang tama sa Bahay ni Kuya