Naeskandalo ang mga netizen at maging listeners ng Energy FM sa rebelasyon ng isang lalaking caller na sumangguni kay DJ Kara noong Hunyo 27, hinggil sa kaniyang problema.
Bungad pa lang ng caller na si "Bugoy" kay DJ Kara, parang naadik o nalulong daw siya sa pagbembang o pakikipagtalik sa mga alaga nilang asong babae, dahil mas gusto raw niya ng "masisikip."
"Wait lang... aso? Seryoso 'to?" tanong na paninigurado pa ni DJ Kara.
"Seryoso po," sagot naman ng caller.
Kuwento pa ng caller, nagkakalabuan na raw sila ngayon ng misis niya dahil hindi sinasadyang nahuli raw siya sa akto habang tinitira ang alagang aso nila.
Nang tanungin naman ng DJ kung bakit hindi na lang misis niya ang bembangin niya, hindi raw sapat para sa kaniya ang "sikip" na nararamdaman niya.
Nagsimula raw ito sa pambubuyo sa kaniya ng barkada niya, na pinagtitripan din ang mga aso, habang sila ay lasing sa inuman. Simula raw nang masubukan niyang pasukin ang wetpaks ng mga aso, ay natuloy-tuloy na raw dahil iba raw ang dulot na satisfaction sa kaniya.
Payo ni DJ Kara kay Bugoy, mas makabubuting habang maaga pa, itigil na niya ang ginagawa niyang pagbembang sa aso dahil hindi ito maganda at walang maidudulot na maganda. Tinatawag ang behavior ng caller na "zoophilia."
Ayon sa Merriam-Webster Dictionary, ang zoophilia ay "an erotic fixation on animals that may result in sexual excitement through real or imagined contact."
Sa pagpapaliwanag pa ni DJ Kara, ipinagbabawal sa batas ng ibang bansa at sa Pilipinas ang pakikipagtalik sa mga hayop. Ito ay paglabag sa batas at maituturing na krimen.
ito raw ay isang uri ng pang-aabuso sa hayop alinsunod sa Animal Welfare Act, o Republic Act 8485, na inamyendahan na.
Kaya payo ni DJ Kara kay Bugoy, itigil na raw sana niya ang ginagawa sa mga hayop bago pa siya makasuhan.
Payo naman ng mga netizen kay Bugoy, makabubuting kumonsulta na siya sa isang espesyalista lalo na kung hindi na niya mapigilan ang pagkaadik sa kaniyang ginagawang pagtira sa mga hayop.
Samantala, wala pang reaksiyon, tugon, o pahayag ang Philippine Animal Welfare Society (PAWS) tungkol sa isyung ito.